^

PSN Opinyon

Live ‘screaming’ ni Janet Napoles

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY plano raw na maglagay ng mga surveillance camera sa bahay sa Camp Sto. Domingo sa Laguna na kinapipiitan ni Janet Lim Napoles, ang prime suspect sa P10 bilyong pork barel scam. Kapag nangyari ito mapapanood ng taumbayan ang bawat kilos ni Napoles sa internet sa pamamagitan ng LIVE STREAMING.

Kaso, may claustrophobia pala si Ms. Napoles. Takot mapag-isa sa masikip na kuwarto. Tumaas daw ang blood pressure at nag-dive ang blood sugar dahil takot siya sa masisikip na lugar gaya ng kuwartong tinutuluyan niya. Kapag nagkataon, baka mapapanood na rin natin sa internet ang kanyang LIVE SCREAMING.

May nagtanong  sa akin kung pati CR ay kakabitan ng camera. Sabi ko – ang camera ay upang i-monitor ang lahat ng movements ni Ms. Napoles puwera yung…bowel movement.

Dahil sa pabagu-bagong presyon ng dugo ni Ms. Napoles nagdududa tuloy ang taumbayan. Baka raw may niluluto nang “hospital arrest.” Mas mabuti raw tawagin itong hospitality arrest.

At heto pa. Batay sa (un)reliable source ko, mayroon na naman daw kinukonsiderang paglilipatan kay Ms. Napoles at ito ay nasa isang marangya at magarang condo unit sa THE PORK.

Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, hindi raw siya  magtataka kung gagawa nang kung anu-anong eksena para makondisyon ang isip ng mamamayan na kaila­ngang ipasok sa pagamutan si Napoles.

Baka raw bigla na lamang itong umarte na kinukombulsyon at magsusuka. Parang kamakailan lamang, ang banner headline sa diyaryo ay: NAPOLES SUMUKO.

Kapag bigla siyang nagsuka, ang banner headline ay magiging NAPOLES SUMUKA! Naku, huwag lang mangyayari iyan kapag nasa tabi niya ang Presidente at baka ang banner headline sa diyaryo ay: NAPOLES SUMUKA KAY P-NOY.

Seriously, I don’t think Napoles deserves hospital(ity) arrest. If there is anyone that deserves hospitalization, it is my sick jokes.

Sorry po. Tao lang po!

 

vuukle comment

BATAY

CAMP STO

DAHIL

JANET LIM NAPOLES

KAPAG

MANG GUSTIN

MS. NAPOLES

NAPOLES

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with