Pinoy-US cops: Traffic stop(advance screening)

AKTIBO ang mga police patrol officer sa pagroronda sa mga lansangan sa United States! Sila ‘yung mga pulis na naglilibot at nagpapatrulya para manghuli ng mga motoristang lumalabag sa batas na agad ibinabato sa kanilang central communication system.

Sa 7th season ng Pinoy-US Cops, muling ina-angkasan ng BITAG Team Ride Along si Officer Ray Asuncion.

Naidokumento ng BITAG Team Ride Along ang kanilang standard operating procedure mula sa Daly City Police Department hanggang sa pagpapatrulya sa lansangan!

Sampung oras ang night shift duty ni Officer Asuncion. Dahil matagal na siyang nagroronda ng gabi, madali na lang sa kaniyang tukuyin ang mga motorista na lumalabag sa batas-trapiko!

Panoorin ang Pinoy-US Cops sa kanilang pagresponde at pag-ikot sa mga lansangan!

Abangan ang ekslusibong advance screening ng 7th Season ng PINOY-US Cops simula mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-12:00 ng madaling sa www.bitagtheoriginal.com!

Ang susunod na screening sa “Traffic Stop” episode ay sa Disyembre 30, 2013!

Show comments