^

PSN Opinyon

Serbisyo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KAPAG nagdeklara ng state of calamity ang isang lungsod o lalawigan, automatic na bawal ang magtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin, para walang magsamantala sa sitwasyon. Napakadali kasing samantalahin ang mga nangangailangan, sa panahon ng kahirapan o kalamidad. Pero may mga iba na tila tuwang-tuwa kapag may kalamidad, dahil alam nila na may pagkakataon na samantalahin ang mga nangangailangan. At ganito ang ginawa ng ilang mga pedicab sa lugar ng mga paliparan. Dahil baha ang ilang kalsada na patungo at palabas ng NAIA, inalay ng mga pedicab ang kanilang serbisyo, pero sa halagang P700 hanggang P1,500 kada pasahero na kailangang makarating ng airport!

Siyempre, kung ikaw ay pasahero na kailangang makarating ng NAIA dahil paalis ka na, ano ang gagawin mo kundi tanggapin ang mga mapagsamantalang pedicab na ito. Nakapanayam pa nga ng ABS-CBN ang isang pasahero ng mga pedicab na iyan, na siningil daw siya ng P700 pero nagtulak din naman siya. Ang hindi ko matanggap ay ang mga dayuhan na nagbayad umano ng P1,500 para makarating sa airport. Dahil ba dayuhan, mas mataas ang singil? Nagpunta nga ang mga turista para maranasan kung gaano kasaya sa Pilipinas, tapos ganyan ang mararanasan nila?

Mabuti at may mga dayuhan, katulad ng isang Norwegian na nakasakay sa bubong ng pedicab na patungo sa NAIA dahil patungong Davao na makuha pang magbiro at sinabing “It’s more fun in the Philippines”. Di ko alam kung nagbibiro siya at ikinatutuwa na lang ang mga pangyayari, o may kasamang poot ang kanyang pagbigkas. Pero ganun nga, nagbayad din siya nang malaki sa pedicab.

Kung nagbabaha pala sa mga kalsada sa paligid ng NAIA, dapat handa na ang NAIA para sa ganyang sitwasyon. Dapat may mga sasakyan silang matataas na puwedeng idaan sa baha, para magamit ng mga pasaherong papasok at palabas ng NAIA. Serbisyo ito na ikatutuwa ng mga pasahero, lalo na mga turistang dayuhan, na ikakalat nila sa kanilang mga kapamilya’t kaibigan. Ngayon, ang ikakalat lang nila ay ang mga pedicab na tumulong nga sa kanila, sa halagang P1,500 kada tao, kada hatid! Serbisyo, o negosyo? Ikakalat nila na huwag magplano sa panahon ng tag-ulan, dahil baka mabaha at malagay sa ganyang sitwasyon, kung saan mapipilitan silang maglabas ng malaking pera para lang makarating sa airport.

DAHIL

DAPAT

DAVAO

IKAKALAT

NAGPUNTA

NAIA

PEDICAB

PERO

SERBISYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with