^

PSN Opinyon

P2.86-B sa PNP upgrading

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

READY na ang pondong P2.86 bilyon para sa moder­ni­sasyon ng Philippine National Police. Pero aanhin ang modernong pulis pero undermanned o kulang sa tauhan? Police visibility is what we badly need lalu na sa mga ilang na lugar partikular sa dis-oras ng gabi.

Kamakalawa ng gabi, apat katao ang nasawi matapos holdapin ng apat na lalaki ang Robinsons Supermarket sa Barangay Rosario, Pasig City. Tatlo sa mga nasawi ay mga empleado ng Robinsons Supermarket at isang holdaper ang nabaril at napatay  ng mga guwardya. Too late the hero nang dumating ang mga rumespondeng pulis. Kaya totoo ang napapanood natin sa pelikula. Naubos nang pagbabarilin ni FPJ yung mga kontrabida bago dumating ang mga pulis.

Kaya bukod sa modernisasyon, marami pang iba na dapat unahing baguhin sa ating pulisya. Nangunguna na riyan ang pagdaragdag ng mga tauhan nito para lumawak ang police visibility at matakot ang mga gumagawa ng krimen.

Dapat ding maging matalino ang PNP sa pag-recruit ng mga tauhan at baka ang kinukuha nilang pulis ay mga police character. Nakababahala ang pagkasangkot ng ilang pulis sa mga krimen at parang hindi na masasabing isolated cases dahil nangyayari ng madalas.

Ang mahigit sa P 2 bilyong dagdag na budget ay ipam­bibili daw ng mga kakailanganing kasangkapan ng PNP para maging lalung epektibo ito sa police operations. Ito, anang Malacañang ay alinsunod sa PNP Transformation Plan na isinusulong ng Department of Interior ang Local Governments. Kabilang sa mga bibilhin ay mga karagdagang patrol jeeps, 13,597 assault rifles, at 4,997 mobile videos.

Hindi natin hangad na laitin ang pulisya pero hangga’t ito’y hindi epektibong nakakaresponde sa mga crime situation at hangga’t may mga nalalabing police scalawags sa hanay nito, talagang wala tayong makikitang pagbaba sa crime rate sa bansa. Bukod diyan, imbes pagtiwalaan ng taumbayan ang mga unipormadong pulis, katatakutan pa sila at hindi igagalang. In fairness naman, sinasaluduhan natin yung mga matatapat sa sinumpaang tungkulin at hindi nahihikayat sa masama. Keep up the good work!

BARANGAY ROSARIO

DEPARTMENT OF INTERIOR

KAYA

LOCAL GOVERNMENTS

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROBINSONS SUPERMARKET

TRANSFORMATION PLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with