Kayamanan sa langit

SA pagsunod natin sa mga utos ng Diyos, magalak tayo upang maganap ang pangako Niya sa atin. Makakamtan natin ito kung tayo ay matuwid sa hirap at ginhawa. “Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng Diyos.” Matatamo natin ang pangako niyang kayamanan sa langit kung ganap ang ating pagtitiwala sa inaasahan nating biyaya ng Panginoon. Tumalima tayo sa Diyos tulad ni Abraham upang marating din natin ang lupang ipinangako sa kanya kahit hindi niya nalalaman kung saan,  paano at kailan?

Ganundin ang ating hinihintay na biyaya sa Panginoon. Paghandaan natin ito: unang-una sa paglilinis sa ating landas na daraanan na pawang kabutihan, kalinisan  at kabanalan, upang tulad ni Abraham ay mapasaatin ang plano Niya sa ating buhay.

Makakamtan natin ito kung sa ating lubusang paghahanda araw na ito. Huwag tayong matakot, munting kawan, ikalulugod Niya sa atin ang kaharian ayon sa Kanyang plano. Kaya ba nating­­ ipagbili ang ating mga ari-arian at ipamigay sa mga dukha? Gumawa tayo ng mga lukbutang hindi naluluma at mag-impok ng kayamanan sa langit. Wala sa langit ang mga nangongotong, magnanakaw at mapanirang pulitika.

Ang malaking katanungan: Kaya ba natin itong gawin? Ang pinaka-magandang katuparan sa tanong na ito ay ang ipinagdiriwang nating kapistahan ni Santa Clara. Ipinamigay niya ang kanyang ari-arian at kayamanan noon at hanggang ngayon ay tagumpay ang kanyang misyon sa pagsunod kay Hesus. Kung saan naroon ang ating kayamanan ay naroon ang ating puso.

Karunungan 18:6-9; Salmo 32; Hebreo 11:1-2,8-19 at Lukas 12:32-48

* * *

Maligayang bati sa mga mongha ni Sta. Clara sa Sariaya, Quezon. Happy and blessed 33rd episcopal anniversary to Archbishop Angel N. Lagdameo of Jaro, Iloilo bukas Agosto 12. Bukas din ang Blessed 55th Missionary Cathechist of St. Therese Foundation 1958 anniversary by the late Bishop Alfredo Ma. Obviar.

 

Show comments