ANG Legal Education Board (LEB) ang ahensyang namaÂmahala sa regulasyon ng mga law school sa bansa. Kongreso mismo ang nagtatag ng LEB bilang pagkilala sa natatanging posisyon ng abogasya sa mga professional degrees at sa katotohanang sadyang naiiba ang study of law sa ibang kurso sa ilalim ng regulasyon ng Commission on Higher Education (CHED).
Sa pangunguna ng LEB at ng Philippine Association of Law Schools, ang mundo ng legal education ay magtitipon para sa isang conference sa August 16 at 17 sa Cebu para pag-usapan ang mga suliranin at hamon na hinaharap sa ngayon at kung paano ito haharapin.
Ang CHED naman ay hindi rin nagpapaiwan sa mga hakbang upang mapaganda ang higher education sa bansa. Nung Miyerkules ay naglabas ang CHED ng listahan ng “priority courses†– mga kursong batid nilang tugma sa pangangailangan ng lipunan. Dahil sa lumala-king agwat ng mga gradweyt ng mga kursong hindi naman hinahanap ng mercado, minabuti ng CHED na pag-aralan kung ano talaga ang kinakailangan ng mga employer at baka maudyok ang mga enrollee na sa mga kursong ito makipagsapalaran.
Ayon sa pagsusuri ng CHED ang mga kursong ito ay ang sumusunod: Engineering (mechanical, electro-nics, communication, metallurgical/mining, computer, biomedical, chemical, geodetic, electrical, meteorological, mining and geological); Agriculture and related fields (agro-forestry, veterinary medicine, agricultural engineering, agribusiness/management, agricultural entrepreneurship, agri-tech, agriculture, fisheries); Health Sciences (pharmacy, radiology technology, medical technology); Teacher Education major in math, science, physics, chemistry, reading, English, educational media/technology and special education (SPED); Information Technology (information technology and computing studies, multi media, animation, programming, computer science and information system ma-nagement); Science and Math (BS Math, BS Science and BS Physics); Arts and Humanities; Atmospheric Science; and Environmental Science.
Mapalad ang ating mga mag-aaral sa mga ginagawang hakbang ng may kinauukulan. Hindi nagpapabaya ang inyong mga tagapamahala at sinisiguro na hindi nasasayang ang matrikula at pawis. Hindi nakakalimutan na ang edukasyon ang pinaka-epektibong solusyon upang maiahon ang lipunan at ang sarili sa kahirapan.