^

PSN Opinyon

‘Galang aksidente’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG AKSIDENTE ay maaring iwasan subalit kapag ang tao ang naghahanap ng aksidente mahirap itong ilagan.

Bali ang buto sa paa at binti at luwa ang laman. Ganito ang natamo ng magkakaibigang sina Virgilio Flores Jr. o “Jay-r”, Ma. Khrizzel Flores at Evony dela Cruz kapwa disinuebe anyos.

“May malaking uka sa kaliwang binti ng anak ko. Lumabas ang buto,” wika ng ginang.

Ika-28 ng Abril taong 2013…nakasakay sa motor ang magkakaibigan papuntang Baliwag, Bulacan para dumalo ng piyesta.

May nakasalubong silang isang kotse na lumihis ng daan, binangga sila at nakaladkad sa gitnang bukid ang kinasasakyang motor.

Ganito ang ikinuwento sa amin ni Teofila Flores o “Fely”, 52 taong gulang, nakatira sa Pampanga, ina ni Jay-r.

Bandang alas nuwebe ng nasabing petsa nang malaman niya ang nangyari sa anak, “Sina Jay-r nabangga! Papunta nang ospital,” balita sa kanya ng kapatid na si Francisca

Dinala ang kanyang anak at ang dalawa pang angkas nito sa ospital ng Malolos. Si Evony agad na sinuri ng mga doktor ngunit sina Jay-r at Khrizzel hindi tinanggap dahil sa dami ng pinsalang natamo.

Ilang ospital pa ang pinuntahan nila at sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center ginamot ang dalawa.

“Pagkarating ko dun inooperahan na ang anak ko. Nililinisan ang kaliwang binti. Lumabas ang buto kaya nilagyan ng bakal para magpantay,” salaysay ni Fely.

Ang kasamahan naman nitong si Khrizzel na nadaganan ng motor nang maaksidente ay mas maraming naging pinsala sa katawan. May butas ito sa leeg at may bali sa iba’t-ibang bahagi ng katawan

Pagkaraan ng siyam na araw binawian ito ng buhay. Ang kanyang pagkamatay ay dahil sa dami ng bugbog sa kanyang katawan.

Noong Mayo 22, 2013 nagsampa ng kasong ‘Reckless Imprudence resulting to Homicide, Multiple Injuries and Damage to Property’ sina Fely at ang mga kaanak ng ibang biktima laban sa nagmamaneho ng kotse na nakilalang si Wilmark Rivera.

“Yung nakabangga tumakas at hindi na nahuli,” pahayag ni Fely.

Ayon sa kanya makalipas ang aksidente agad na iniwan ng drayber ang kotse nito at tumakas.

Sa ginawang sertipikasyon ng PNP Baliwag nakasaad ang kaganapan ng aksidente.

“Noong ika-28 ng Abril 2013 bandang alas-9 ng gabi ang Hyundai UIW 294 na minamaneho ni Wilmark Rivera, habang tumatakbo papuntang Brgy. Tilapayong ay kumabila ng linya at nabangga ang motorsiklo na Honda Wave 3098-RO na minamaneho ni Virgilio Flores Jr. at angkas niya sina Khrizzel Flores at Evony dela Cruz. Nagtamo ng sira sa unahan ang kotse habang ang motor ay nawasak”. Nasaksihan ni Julian Rafael Jr. ang pangyayari.

Ayon naman sa salaysay ng isa pang testigong si Antonio Puno, noong ika-28 ng Abril 2013 bandang alas otso ng gabi habang nasa loob siya ng compound ng Barangay ay nakarinig siya ng kaguluhan. May sinuntok umano dun si Wilmark at pinapasok siya sa kanilang bakuran ng kapitan.

Ilang minuto dumating ang kaanak ng nasuntok at galit na lumabas si Wilmark ngunit sinabi ng kapitan na ayusin na lang ang gulo kinabukasan. Ilang sandali pa ang inilabas ni Wilmark ang kanyang kotse na Hyundai UIW-294 at nakasagi pa ng isang tricycle.

“Bandang alas nuwebe tumawag sa akin si Julian Rafael Jr. at sinabing kailangan ng abulansiya dahil may naaksidente at malulubha ang mga pinsala ng mga ito,” dagdag pa sa salaysay.

Mabait na bata at matulungin, ganito kung ilarawan ni Fely ang kanyang anak. Nang makatapos ng High school si Jay-r nagsimula na itong magtrabaho para makatulong sa pamilya.

“Nagtatrabaho ang anak ko dati. Ngayon nag-aaral na kung paano lumakad,” pahayag ni Fely.

Paisa-isang hakbang. Paunti-unti. May bakal man ang kanyang paa pinipilit pa rin ni Jay-r ang gumaling kaagad.

“Marami nang bawal sa kanya. Dapat hindi siya kakain ng malansa. Tuluy-tuloy din ang anti-biotic,” kwento ni Fely.

Maliban sa iniinom na gamot kailangan ding regular na magpunta sa ospital si Jay-r para magpatingin.

“Hindi pwedeng sa jeep mo lang isakay dahil mahihirapan,” sabi ni Fely.

Hindi rin daw malaman ni Fely kung bakit tila hindi umuusad ang kasong kanilang isinampa. Nakikipag-areglo umano ang pamilya ng akusado sa kanila. Ito ang dahilan ng kanyang paglapit sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Fely.

SA AMIN DITO SA CA LVENTO FILES, ‘Flight is an indication of guilt’. Ang ibig sabihin nito kapag tinakasan mo ang isang kasong ipinaratang sa iyo, ang korte o taga-usig ay iisiping may kasalanan ka nga.

Kapag hindi nakapagbigay ng kontra–salaysay itong akusado magiging ‘uncontroverted’ o hindi nasagot. Ang pagbabatayan ng Prosecutor ay ang police investigation report at maglalabas siya ng resolusyon.

Kung ganito ang mangyayari hindi ito gaanong. Tatlong iba-ibang kaso yan at kapag napatunayan na siya nga ang may kasalanan kulungan ang naghihintay sa kanya. Ipagtanong mo din Fely ang tungkol sa ‘civil liability’.

Ang pakikipag-areglo ay sa aspetong sibil lamang at ang criminal na anggulo ay hindi nahuhugasan ito. maliban na lamang kung kayo mismo ang mag-uurong ng demanda sa pamamagitan ng isang ‘affidavit of desistance’.

Ang una niyang dapat gawin ay pumunta sa Prosecutor’s Office at itanong kung bakit hanggang ngayon wala pa ring subpoena. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166(Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected].

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

ABRIL

FELY

ILANG

JULIAN RAFAEL JR.

KHRIZZEL FLORES

VIRGILIO FLORES JR.

WILMARK

WILMARK RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with