MAAWAIN, mapagpaumanhin at mapagpatawad ang Panginoon. Noong panahon ni Abraham ay planong lipulin ng Panginoon ang lahat ng tao dahil sa kanilang kasuwailan at kahalayan gaya sa Sodom at Gomorra. Subalit paulit-ulit na nagmakaawa si Abraham sa Panginoon kahima’t sampung katao ang nalalabing walang kasalanan.
Ang buod ng panalangin ay ang pagtawag natin sa Ama. Kaya ayon sa Salmo: “Noong ako ay tumawag tugon mo’y aking tinanggapâ€. Sa pagpapatawad sa atin ng Panginoon ay muli tayong binuhay kasama si Hesus. Ibinahagi ni Hesus sa atin ang Kanyang panalangin sa kanyang Ama. Tinuruan tayo sa pamamagitan ng mga Alagad ng panalangin sa ating Ama. Ang ginamit ni Hesus sa Kanyang panalangin sa wikang Aramaic ay Abba ibig sabihin ay “Mahal na Amaâ€. Ang itinuro sa atin ay salitang Greek na Abhinu na ang kahulugan ay “Ama Namin†ayon sa ebanghelyo ni Mateo at Lukas.
Kaya sa ating panalangin ay hindi nagsasawang tumulong sa atin ang Panginoon lalung-lalo na sa ating paghingi ng kapatawaran sa mga nagawa nating kasalanan. Kung bibigyan natin ng lalim at taos-pusong pakikipag-usap sa Panginoon ay dadaloy sa ating buhay ang Kanyang awa at kapatawaran. Ang gantimpala nito ay ang kanyang sinabi sa atin na kung tayo’y patuloy na humingi, tayo’y bibigyan, humanap at tayo’y makasusumpong, kumatok at ang pinto’y bubuksan. Higit sa lahat ang ibibigay niya sa atin ay ang Espiritu Santo sa tuwing tayo ay hihingi sa ating Panginoon.
Ang kauna-unahan nating lalapitan ay ang Espiritu Santo. Kung anuman ang ating pangangailangan at paghi-ngi ng kapatawaran ay ang Kanyang liwanag ang ating kailangan. Sa paglutas sa ating mga suliranin sa buhay ay Espiritu Santo ang ating gabay. Sa ating mga problema ang una nating lalapitan ay ang Espiritung Banal. Ang nangyayari ay inuuna pa natin ang init ng ulo at galit ng damdamin.
Kaya’t sa huling sandali ng inyong pagbasa sa aking artikulo ngayon ay tumahimik tayong sandali, buksan natin ang puso at isipan, taimtim nating dasalin ang Ama Namin. Asahan natin ang sinabi ni Hesus na sa pagka’t tumatanggap ang bawa’t humihingi, nakasusumpong ang bawa’t humahanap at binubuksan ang pinto sa bawa’t kumakatok. Kailanman ay hindi tayo pinabayaan ng Panginoon.
Gen. 18:20-32; Salmo 138; Col. 2:12-14 at Lk. 11:1-13