“HINDI ko ikinahihiya ang aking kapatid,†sabi sa radio news interview ni Ate Rosalinda tungkol sa napatay na kapatid na Ricky Cadavero, hepe umano ng Ozamis robbery-murder gang. “Simbulo siya ng naghihirap ng PiÂlipino, kaya pumasok sa ganyang ‘hanapbuhay’!â€
Anang pulisya, nang-agaw ng baril ng bantay at nagtangkang tumakas sina Cadavero at ka-gang mula sa patrol van, kaya pinatay. Pero sa eyewitness account ng isang menor de edad, “sinalvage†ang dalawa. At komentaryo ng maraming radio announcers at listeners, kung ganyan pala ang katuwiran ng Ate niya, mabuti na nga ang sinapit nila.
Masakit para sa mga maralita at masisipag na naghahanap-buhay ang mga salita ni Rosalinda Cadavero. Para sa kanya, okey lang mang-holdup sa banko o mall, mang-granada ng mamimili, mamaril ng “sikyo†na walang armas, pumatay dahil binayaran, at manuhol ng pulis at prison guards -- kung ikaw ay mahirap. Ibig sabihin, okey lang din tumamasa ang pamilya mula sa krimen ng kaanak. Ibig sabihin huwag nang turuan ng kabutihang-asal ang kabataan at papamarisan na lang si Cadavero. Animo’y lahat ng mahihirap ay magnanakaw, kriminal.
Ang mali ay mali, sino man ang gumawa — bata o matanda, babae o lalaki, Kristiyano o Muslim, Puti o African o Kayumanggi, mayaman o mahirap. Hindi maari ikatuwiran ang edad, kasarian, pananampalataya, lahi, o laman ng pitaka para sa paggawa ng krimen. Kasi Kung pumayag tayo sa ganyang baluktot na pananaw, ibig sabihin naman ay dapat lang tayo maging biktima ng krimen batay sa ating edad, sex, relihiyon, kulay ng balat, at estado sa buhay.
Mahalaga ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa mata ng batas. Kung wala ito, walang hustisya.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com