^

PSN Opinyon

“‘Galman’ nahuli na!”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

UGALI NG LAHAT na bago ka pumasok ng tahanan ng isang tao, kakatok ka, hihintayin mong ika’y pagbuksan at patuluyin. Kapag sinabihan ka naman na hindi ka maaring pumasok huwag kang mamilit.

 Nuong OCTOBER 14, 2012 pinabasbasan ko ang bahay na ipinagawa para sa aking dalawang anak. Maraming kaibigan ang nakisalo at dumalo upang maki-isa sa pagdiriwang.

Mga kaibigan ko at ng mga anak kong si Sonny at JC ay naki-isa din. 

 Ang nag ‘bless’ ng bahay ay ang kaibigan naming pari na si Fr. Jojo Buenafe ang Spiritual Director ng San Jose Seminary at head ng Catholic Mass Media Awards.

Maganda ang pagkaguhit ng bahay ni Architect Ricky Ledesma subalit ang pumalpak ay ang kontratista na gumawa na ang Noble Built Construction and Development Corporation sa pagmamay-ari ni Rolando Villegas.

Matapos ang ‘house blessing’ isa-isang lumabas ang mga depekto ng kanilang ginawa. Ang mga bakot ay nag-umpisang naglabasan ang kapak pati na rin sa mga kwarto, ng umulan nagtuluan sa kisame ang mga tubig na lumalabas sa mga ‘pin lights’ naglobohan ang mga ‘engineered wood’ sa ‘hallway’ patungo sa theater room. Ang pagkagawa ng ‘sewer system’ ay ipinagsama-sama sa lababo at sa banyao ng mga kasambahay pati na sa kwarto sa itaas. Ang drain sa poso negro ay napakataas kaya’t bumabalik ang tubig sa bahay.

Sinulatan ko ng ‘Demand Letter’ itong si Villegas at hinihiling ng mga danyos at perwisyo nung December 18, 2012 sa pamamagitan ng ‘registered mail’ at tinanggap ng nangangalang Bani mula sa kanilang pamilya ng December 20 base sa return card.

Bandang ala-una ng tanghali habang walang mga tao sa bahay kundi mga kasambahay lamang dumating ang kanilang ‘bodyguard cum trabahador’ sa bahay at nagpupumilit pumasok.

Base sa salayasay ng aming kasambahay na sina Zalimar Mendoza at Emily Ponsaran sinubukan nilang hintuin itong tao subalit inabot ang tranka ng gate at kusang binuksan at itinulak na siya ikinatumba nitong si Zalimar. Na ‘record’ naman ang kanyang mga ginawa na nagkukuha siya ng litrato sa maids room, banyo, veranda ng kwarto ko at sa buong paligid gamit ang isang camera.

Nakita rin na makalipas ang limang minuto agad itong sumakay sa kanyang motorsiklo at umalis ng bahay ko.

Pinareport ko sa mga kasambahay ko ang pangyayari. Matapos itong i-blotter sa baranggay inimbitahan siya subalit hindi siya sumipot. Pinapuntahan din siya ng dating Provincial Director ng CIDG na si Orlando Castil subalit hindi siya dumating.

Kinasuhan ko itong si Alvin Galman y Pascual ng kasong Qualified Trespass to Dwelling at other threats sa kanyang ginawa.

Matapos ang isang mahabang Preliminary Investigation nalabas ang prosecutor ng resolusyon na may basehan siyang sampahan ng mga demandang inihain sa kanya.

Naglabas ang kagagalang-galang na hukom ng ‘warrant of arrest’ na si ‘Judge Ralph Arellano’ para siya’y hulihin.

Itong Martes nahuli na itong si Galman ng mga tauhan ni P/Supt. Chito Bersalona. Si Warrant Officer PO2 Eduardo Carandang.

“Kakasuhan na sana namin ng Obstruction of Justice ang asawa nitong si Galman ng biglang lumitaw ito at agad na­ming pinosasan, dinala sa presinto at kinunan ng finger print. Kinuhanan din siya ng ‘mug shots’ kwento ni P02 Carandang.

Pinuntahan ko si Galman sa kulungan at ng makita niya sa akin agad niyang sinabi, “Napag-utusan lang ako ni Villegas at wala namang film yung camera ko.” 

Napatawa na lamang ako sa kasinungalingan niya na walang film ang camera niya. Ang aming pasasalamat kina Supt Bersalona at P02 Carandang at ipararating namin kay SILG Mar Roxas ang kanilang mabilis na aksyon.

Marami raw kontratang nakuha itong Villegas sa San Pedro, Laguna subalit ang mismong dating Mayor na si Calixto Cataquiz ay umamin sa akin na daming problema sa gawa nila.

Yung ospital ang dami raw tulo at hanggang ngayon gumagawa pa ng mga paraan para hindi pasukin ng tubig. Dalawang buwan daw bago inaprubahan ng Department of Health ang gawa ni Villegas ayon kay Cataquiz.

May mga ibang ‘project’ din daw na magpahanggang ngayon nireretoke ayon sa mga Municipal Engineers ang mga gawa nitong si Villegas.

‘Hindi na makakakuha ng project yan sa administrasyon ng aking asawa. Ang problemang nakikita ko hindi hawak nitong si Villegas ang mga tao niya,’ paliwanag ni Cataquiz.

Sa ngayon pinag-aaralan ng aking abogado kung paano masasama sa demanda itong si Rolando Villegas at Noble Built Construction and Development Corporation sa kaso ni Galman base na rin sa kanyang pahayag na siya ay inutusan ni Rolando Villegas.

Sa gustong dumulog, ang  aming mga numero ay 09213263166, 09198972854, 09213784392 at 0906-7578527. Ang landline, 6387285 at 24/7 hotline 7104038.

Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Bldg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes. Follow us on twitter: Email: [email protected]

ALVIN GALMAN

GALMAN

ITONG

MATAPOS

NOBLE BUILT CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT CORPORATION

ROLANDO VILLEGAS

SIYA

VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with