Pulitika noon, ngayon

Maselan ang paksang inyong babasahin

pagka’t pulitika – nangyari sa amin;

Dalawang pamilya na kapwa magaling

sa tuwing eleks’yon magkaribal mandin!

 

Palitan sa pwesto ang dalwang pamilya

partido KBL at Nacionalista;

Ang sistemang ito ay dinatnan ko na

kaya kami’y panig na lagi sa iisa!

Habang nagtatagal sa naturang bayan

mga kandidato ay nagsusulputan;

Sila’y kumakampi at kumakalaban

sa panghuling mayor na anak ng bayan!

 

Mga pulitikong dati ay kakampi

nagpaksyon na iba’t lumaban sa dati;

May mga naghangad na maging alkalde

di nila kinaya taong may balwarte!

 

Ang marapat sanang ginawa ng iba

sa pwestong nakamit pinagbuti nila;

Mahirap talunin ang dati ng bida

saka tao itong maraming nagawa!

 

Maraming pagsira ang kanyang tinanggap

sa pangatlong upo ay hindi raw dapat;

Pero nang bilangin ang botong matapat –

sa dami ng boto’y panalong landslide!

 

Kaya sa politics ang dapat tandaan

kung mag-aambisyon ay hinay-hinay lang;

Kayo ba ay orig o mga dayuhan

na gustong maghari sa hindi kabayan?

Show comments