^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Babaing labor attaché

Pilipino Star Ngayon

PAYAG ang Malacanang sa suhestiyon na babae ang italagang labor attaché sa Middle East. Ito ay kasunod ng mga akusasyon sa mga kalalakihang official ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa Kuwait, Saudi Arabia, Syria at iba pang bansa sa Middle East. Unang inakusahan ang labor officials sa Kuwait at Syria na “ibinubugaw” ang mga babaing OFW na nakatira sa shelter ng embahada kapalit ng tiket para makauwi sa Pilipinas.

Ang matindi, pinagpaparausan din ng labor officials ang mga kawawang OFW. Ganito rin ang ginawa sa tatlong babaing OFWs sa Riyadh, Saudi Arabia na para makauwi sa Pilipinas ay ibinugaw ng isang labor attaché. Ayon pa sa tatlong OFWs, minolestiya rin sila ng attaché. Pinauuwi na ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang attaché at haharapin nito ang patung-patong na reklamo mula sa mga nabiktimang OFWs sa Riyadh. Umano’y marami pang biktima ang lulutang para madiin nang husto ang labor attaché. Si Akbayan party-list Rep. Walden Bello ang unang nagbunyag sa “sex-for-flight” scheme.

Maganda ang suhestiyon na babae ang italagang labor attaché sa Middle East. Kung babae nga naman ang opisyal, hindi nito mapagnanasaan ang mga babaing OFWs. Hindi rin naman maaaring mambugaw. Mas madaling lapitan ng kapwa babae at madaling magkakaintindihan  sa problema. Dahil babae, malalaman niya ang mga sinasaloob ng babaing minaltrato ng amo.

Pero hindi porke babae ang attaché ay hindi na mahaharap sa mga kontrobersiya. Kailangan pa rin namang idaan sa mahigpit na pagsusuri ang itatalagang babaing attaché. Nararapat na ang attaché na ilalagay ay marunong kumalinga sa mga minamaltrato at inaabusong OFWs. Siya ang nararapat na magtatanggol sa mga kababayang inaapi lalo pa nga at babae.

Idaan sa matalinong pagpili ang gagawing labor attaché para hindi na maulit ang mga “kahayukan” at “pambababoy” na ginagawa sa mga kawawang babaing OFWs. Nararapat na mga taong may pagpapahalaga sa kapwa ang italagang labor attaché. Huwag na sanang magkamali sa pagpili.

ATTACH

BABAE

COPY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR

MIDDLE EAST

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with