KASALUKUYANG may malaking conference sa Philippine Judicial Academy Training Center sa Tagaytay ang legal profession tungkol sa overhaul ng ating mga rules of court o patakarang sinusunod ng mga hukuman sa litigasyon ng mga kasong sibil. Ang huling pagbisita ng ating mga Mahistrado sa kanilang itinatakdang mga patakaran ay naganap noong 1997 pa. Mula noon ay kapansin-pansin pa rin ang napakabagal na usad ng mga kasong sinasampa sa mga korte ng bansa. Kinilalang nasa “critical levels†ang mga delays. Karaniwan na ang mga 3 hanggang 7 na taong itinatagal ng mga kaso, lalo na sa mga lungsod.
Sa ilalim ng pangangasiwa ng Mataas na Hukuman, sa pangunguna ni Associate Justice Roberto Abad, at sa pakikipagtulungan ng UP Law Center at ng Integrated Bar of the Philippines, sinimulan na ang pormal na paghubog ng mga bagong alituntunin na tinatayang makakapag-pabilis sa ating administration of justice.
Ang ating Rules of Court ay minana pa natin sa dating mga among Amerikano, mga isang daang taon na ang nakalipas. Medyo strikto ang tenor nito dahil ang disenyo ay para sa sistemang gumagamit ng jury. Sa Amerika, gaya ng napapanood sa pelikula o sa TV shows tungkol sa abogasiya, ang huwes ay parang referee lamang ng nagbabanggaang mga litigante. Ang tunay na pagpasiya ay iniiwan ng batas sa kamay ng mga jury members na hindi naman mga abogado.
Sa pagkilala ng kakulangan ng kaalaman ng jury members sa teknikalidad ng batas, siniguro ng American rules of court na tanging ang mga ebidensiyang mapangangatawanan ang maaring palusutin at ipakita o ipadinig sa mga jury members. Dahil dito naging masyadong strikto ang mga pamantayan at maging ang mga abogado ng magkatunggaling panig ay napapadalas ang pag-object o pagtutol sa inaakalang hindi nararapat na ebidensya. Ang resulta ay tumaÂtagal tuloy ang proseso at nagkakapatong patong ang delay sa mga korte.
Ayon kay Justice Abad, malawakan at pangmatagalang reporma ang habol ng kumperensya. Mga kinikilalang eksperto sa hudikatura, sa propesyon at sa akademiya ang magkaharap ngayon dito sa Tagaytay upang pagtulu-ngan ang kinakailangang solusyon. Sa ganitong uri ng kooperasyon, nakasisiguro tayo na makakabuo ang komperensya ng bagong mga patakaran na magiging higit na kapaki-pakinabang para sa lahat.