ALAM n’yo bang may matindi palang away ang dalawang magkapatid na politicians?
Ayon sa aking bubÂwit, happy birthday muna kay Ret. Supreme Court Justice Serafin “Robust†Cuevas, Ms. Nina Leah Saputil, Bro. Atty. Bobby Opay, Bro. Don Davy Aquino at Mrs. Nieves Gamatero.
Ayon sa aking bubÂwit, kung may sibling rivalry ang dalawang anak ni dating Presidente at ngayon Manila mayor-elect Erap Estrada na si Sen. Jinggoy Estrada at Senator-elect JV Ejercito, meron din palang away ang dalawang anak ni Vice President Jojo Binay. Tumindi ang hidwaan ng magkaÂpatid bago ang May 13 midterm elections.
Gusto kasi ng nakaÂbabatang kapatid na isa ngayong kongresista na ang kakandidatong senador noong nakaÂlipas na election ay ang kanyang mister.
Tutol siyang kumandidato ang kanyang ate dahil “wala naman daw alam.†Siya ay simpleng secretary lamang daw ng kanyang Daddy. Bukod pa riyan, sobra-sobra umano kung laitin ni Congresswoman ang kanyang ate.
Pero ayon sa aking bubwit, kahit ipinagpilitan ni Congresswoman na ang mister nito ang tumakbong senador, siya ay hindi naman pinagbigyan ni Daddy. Si Ate pala ay favoÂrite naman ng kanilang Daddy kaya ito ang pinatakbong senador at siya nga ay nanalo.
Ang magkapatid na may matinding sibling rivalry ay walang iba kundi si CongresswoÂman A. at Senator-elect N.