TODAY, Saturday lunch time magkakaroon ng matinding tsibugan sa Muntinlupa Masonic Temple dyan sa Tunasan, Muntinlupa City dahil ipagdiriwang ni VW Bro. Silverio ‘ Biyong’ Garing ang kanyang kaarawan.
Sabi nga, secret ang age !
Kaya naman iniimbitahan niya ang lahat ng nakakakilala dito mapa-bata o matanda, Master Masons o hindi,kasabong o manoniope, bingi, bulag o pipi, bakla o tomboy, may anghit o wala sa isang salu-salo sa tanghalian.
Ang hindi pupunta sa kaarawan ni VW Biyong ay hindi makakakain ng mga ‘special exotic food’ na inihanda niya para sa mga bisita.
Ika nga, ensaladang sungay ng elepante. Hehehe !
Ayon sa may birthday kung sa Metro - Manila at karatig pook ay bumabaha ngayon tag-ulan sa kanyang kaarawan ngayon alak at pagkain ang babaha with matching ‘drinking contest’ pa na may malaking mga pa premyo.
Ano pa ang hinihintay ninyo.
Punta na !
Ika nga, kita, kits tayo doon tomorrow.
Metro - Manila lumalala ang crime rate
MUKHANG nauuso sa Metro-Manila ang mga nakawan ng mga side mirror ng mga tsikot habang nakaparada sa mga lansangan, holdapan sa bus at jeepney, salisi sa mga resto, snatching, barilan blues etchetera.
Bakit ?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang ‘relaxing’ ang mga taga - NCRPO kaya siguro ganito ? Totoo kaya ito, NCRPO bossing Dindo Espina, Sir ?
Parang may kulang talaga kaya naman ang mga kriminal ay parang nagpi-fiesta sa mga pobreng alindahaw kung nakawan at gumawa ng mga kagaguhan walang pinipiling oras.
Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kulang sa police visibility ?
Bakit kaya ?
Malakas kasi ang ulan at baha ?
Naku ha !
Sagot ba ng matino ito ?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang aakyat na sa ‘directorial staff’ sa Crame si Espina at malamang palitan na siya sa NCRPO dahil may mga tired este mali retired pala sa hanay ng mga official ni CPNP Allan Purisima sa mga susunod na araw.
‘sino sa palagay mo ang papalit kay Dindo ?’ tanong ng kuwagong naghihimala.
‘may tsismis mukhang isang Garbo ?’ sabi ng kuwagong nagsasalita ng walang himala.
‘magaling si Espina at Garbo kung ang mga posisyon nito sa kapulisan ang paguusapan dahil wala kang maitatapos sa dalawang PNP official na ito’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ang kaligtasan, kaayusan, at katahimikan ng madlang people sa Metro-Manila ang dapat munang unahin bago ang kumakalat na tsismis.
Dyan kamote, korek ka !
Abangan.
Maghahalo na ang balat sa mga tatalupan
PINABABALIK na pala sa Philippines my Philippines ang halos lahat ng mga official ng Embassy sa Middle East regarding sa ‘sex for fly’ issue.
Sabi nga, imbestigasyon kaya naman dahil sa usapin ito marami tuloy ang madadamay gawa lamang ng iilang manyakis.
Saludo tayo sa isang bebot na lulutang para magbigay ng kanyang pahayag tungkol sa mga karanasan niya sa kanyang pinanggalingan lugar upang bigyan buhay na totoo ang balitang may mga sexual harassment, sex for travel na kumakalat na issue kaya naman yari ang mga kamoteng manyakis dito.
Ika nga, kapag naikanta kayo tapyas diumano ang leeg ninyo ? Hehehe.
Sabi nga, kahihiyan ang aabutin ninyo dahil sa libog.
Bhe, buti nga !
Siguro dapat lumabas na rin ang mga bebot sa lungga na may ganitong karanasah para maparusahan na ang mga culprit.
‘anong proteksyon ang ibibigay ng Philippines my Philippines government sa mga bebot na lalabas at magsasabing sila ay minolestiya kapalit ng tiket o pera para makauwi sa kanilang pamilya ?’ tanong ng kuwagong sinungaling.
‘hindi sila pababayaan at malamang bigyan pa sila ng panibagong opportunity ng gobierno para makapag-trabaho ng maayos at matulungan ang kanilang family.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘paano iyong mga official na mapapatunayan nagkasala ?’
‘bahala ang media sa kanila dahil siguradong aalingawngaw ang pangalan nila sa lahat ng sulok ng Philippines my Philippines at sa korte naman tiyak may paglalagyan sa kanila.’
Sabi nga, himas et-et este mali rehas pala .
Abangan.