^

PSN Opinyon

Mali at iregularidad sa proseso ng kaso

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING “imbestigador” lang sa pangalan ang nagkalat sa bansa. Sila ‘yung mga titulado na naatasang manaliksik sa kaso pero walang sapat na kaalaman sa pag-iimbestiga. Walang sentido-kumon!

Tulad ng nangyari kay Roosevelt Songkit, isang person with disability (PWD) na biktima ng maling proseso ng imbestigasyon. Nagsimula sa imbestigador ng barangay na nakarating sa police station na may hurisdiksyon sa lugar hanggang sa maipasa sa piskalya ng Pasig City.

Naidokumento ito ng BITAG taong 2009 nang magsumbong sa aking tanggapan ang kapatid ng biktima.  Ayon sa reklamo, naglalakad lang sa kalye si Songkit nang hinuli ng mga tauhan ng barangay dahil sa umano’y pagpapakita ng kanyang ari sa pampublikong lugar.

Ang mga nagrereklamo laban kay Songkit, isang anim at 11-taong gulang na agad nagsumbong sa kanilang mga magulang diretso sa barangay. Sa mali-mali, baluktot at hindi pinag-isipang pananaliksik ng imbestigador ng barangay, “tinawag at sinitsitan” umano ng PWD ang mga bata na tingnan ang kanyang ari. Dito palang semplang na sa pag-iimbestiga ang bopol na imbestigador!

Papaanong makakasitsit o makakapagsalita ang isang pipi at bingi?  Hindi nalalayo sa kaso ng isang hinihinalag drug user na nakulong ng limang taon at apat na buwan sa Camp Crame sa Quezon City.

Naging mainit ang balitang ito nitong mga nakaraang araw matapos kuwestyunin sa korte ni Joanne Urbina ang kanyang pagkakakulong sa kabila ng wala namang kasong isinampa laban sa kanya! Palusot ni Assistant Prosecutor Gerard Gaerlan, naiwaglit niya ang case folder ni Urbina dahilan para hindi umusad ang prosekyusyon.

Ibig sabihin, kung hindi pa nag-apela sa Court of Appeals si Urbina, hindi pa siya makakalaya sa BITAG ng sablay na imbestigasyon!

Marami pa ang katulad nina Songkit at Urbina na kasalukuyang nasa BITAG ng mali at iregularidad na proseso ng kaso sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dapat kayong mga naatasang humawak ng kaso, ma-ging maingat at matalino sa inyong trabaho dahil sa kamay ninyo nakasalalay ang kapalaran ng isang akusado o idinidiin sa krimen!

Naniniwala ako na hindi puwedeng tawaging bobo ang isang tao, maliban na lamang kung ginusto at pinilit niyang manatili sa estadong bobo!

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

vuukle comment

ASSISTANT PROSECUTOR GERARD GAERLAN

CAMP CRAME

COURT OF APPEALS

JOANNE URBINA

KALAW HILLS

PASIG CITY

QUEZON CITY

SONGKIT

URBINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with