^

PSN Opinyon

Justice ng Korte Suprema walang utang na loob

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang usap-usapan ngayon ang isang mahistrado ng Korte Suprema?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Ret.Gen. Rodrigo Gutang, Beth Oller, Engr. Adlai Cabuyadao at Milagros Artapa.

Itong mahistrado ng Supreme Court ay hindi pala marunong tumanaw ng utang na loob at may pagka-traidor. Noong bagong salta pa lamang sa Mataas na Hukuman si Justice, akala mo ay napaka-among tupa.

Sa katunayan ay parating lumalapit sa mga Senior Associate Justices at humihingi ng payo.

Isang opisyal ng Supreme Court na may ranggong Justice ang nilapitan nito at nagpaturo kung ano ang gina­gawa sa Korte at kung ano ang mga policies na dapat niyang malaman.

Dahil dati naman silang magkasama noon sa U.P. College­ of Law, si bagitong justice ay pinagtiyagaang turuan ng nasabing justice din.

Halos isang linggong tinuruan  ang bagitong mahis­trado. Ang malungkot dito, nang matuto na siya sa mga rules at procedures sa Korte Suprema, bigla siyang yumabang.

Hindi lang mayabang kundi may pagka-traidor pa. Mantakin n’yo naman, matapos siyang turuan ng kapwa niya mahistrado ay ipinatanggal  pa ito sa kanyang posisyon bilang spokesman dahil siya raw ay remnant  ni dating President Gloria Arroyo.

Ayon pa sa aking bubwit, may pagka-senyorita at maldita pa ang nasabing opisyal sapagkat kung hindi kaagad naibibigay ang kanyang mga request sa opisina ay nagwawala. Maldita na, mataray pa.

Ayon sa aking bubwit, ang nasabing mahistrado ng Korte Suprema na mataray at walang utang na loob ay si Supreme Court Associate Justice L. as in Ladlad.

ADLAI CABUYADAO

AYON

BETH OLLER

KORTE SUPREMA

MILAGROS ARTAPA

PRESIDENT GLORIA ARROYO

RODRIGO GUTANG

SENIOR ASSOCIATE JUSTICES

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with