MULING ibabalik ng Kongreso si Quezon City Congressman Feliciano “Sonny†Belmonte, Jr. (SB) sa pagka-Speaker ng Mababang Kapulungan. Inaasahan na ng lahat ang re-election ni Speaker Belmonte. At upang mabura na ang ano pa mang duda ay mismong si President Aquino ang nag-endorso kay SB upang mapanatili nito ang kanyang liderato.
Wala nang makakapigil pa sa konsolidasyon ng kapangyarihan ng Presidente sa dalawang kamara ng Lehislatura. Sa Senado ay naghihintay na lamang ng proklamasyon at oath taking si Senate President Franklin Drilon pagbukas ng sesyon sa June 30. Kulay dilaw na muli ang Congress of the Philippines. Panahon na maÂrahil na mabalik sila sa dating kinalalagyang gusali – ang Executive House sa P. Burgos na kinatatayuan ng National Museum – na ngayo’y kinulayan nang dilaw.
Malaki ang ngiti ni P-Noy ngayong inaasahan niyang mas may suporta ang kanyang panukalang reporma at mas matibay ang resbak sa mga ayaw palusuting batas (tulad ng Freedom of Information Bill). Kung may nagagalak sa mas malawak na kapangyarihan ngayon ng Presidente, mayroon ding mga kinakabahan na tila nababawasan na ang bilang ng mga lider na may sariling pag-iisip at paninindigan. Lima ang graduating Senators natin – sina Ed Angara, Manny Villar, Joker Arroyo, Ping Lacson at Kiko Pangilinan. Apat sa limang ito ay kilala na may sariling posisyon sa mga importanteng usapin na hindi basta basta magpapadikta sa Malacañang. Sa mga papalit ay umaasa tayong maipagpapatuloy nila Grace, Nancy, Sonny, at JV ang pagiging independiyente. Huwag sanang ang kahulugang “duwag†ang ibigay sa pagka-Yellow ng Kongreso.
Hindi awtomatikong magandang bagay kapag ang lahat ay nagkakasundo sa isang gobyerno. Higit na pakiÂkinabaÂngan ng taong bayan ang pagkaroon ng inggitan, selosan at pataasan ng pride sa pagitan ng mga kagawaran dahil tanging sa ganitong paraan masisiguro na bawat panukala ay susuriin at lahat ng kalokohan ay mabubulgar. Ganyan talaga ang disenyo ng isang pamahalaan tulad ng atin na may tinatawag na sepaÂration of powers at checks and balancesÂ.
Maaring kampante tayo sa liderato at personalidad ng ating Presidente. Sana lang ay hindi ito gawing piring sa pagmulat ng ating mata sa tunay na kailangan ng bayan.