P. Noy inisnab ang ilang panukalang batas

ITINAPON o hindi binigyan ng halaga ni P. Noy ang ilang panukalang batas na ginawa ng ating mga mambubutas este mali mambabatas pala na sa tingin ng una ay alaws bearing tulad ng mga local bill, local application tungkol ito sa pagpapalit ng local roads para maging bahagi ng national roads..

Sabi nga, ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtalsikan ang mga laway ng mga mambabatas habang pinagdi-debatihan nila ang isang ipapasang panukalang batas sa committee level pa lamang up to the plenary hall at hindi biro ang pera at panahon na ginuguol dito.

Naku ha!

Ika nga, sayang.

Bakit kasi ganito lang ang batas?

Sabi nga, tinimbang ka ngunit kulang. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang panukalang batas ay hindi uusad kapag dehins ito pinirmahan ni P. Noy.

Sabi nga, inisnab. Hehehe!

Ang mga gustong maging batas ng mga mambabatas ay ipinadadala nila kay P. Noy para mabasa, mapag-aralan at mahimay ng husto kaya naman kung may nakitang problema ang pangulo tiyak veto ito or isusuka este mali ibabasura pala.

Sabi nga, dapat pumasa sa panlasa ni P. Noy.

Ika nga, sa ikakabuti ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa local bill lamang ang ipinanukalang batas ng ilang mambabatas akala nila ay hindi ito papansinin o papalusutin na lamang ni P. Noy.  Ang problema ay nahimay ito ng pangulo kaya hayun inisnab. Hehehe.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang local bills ang inisnab ni P. Noy kundi ma­ging national bills ay hindi niya rin pinalagpas tulad ng Magna Carta of the Poor, Height requirement sa gustong pumasok sa PNP, BFP at BJMP, Centenarian Act, at Rights of Internally Displaced Persons Act.

Show comments