^

PSN Opinyon

PPI 49-taon na, tema: Watching the watchdog

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA ika-49 anibersaryo at ika-17 annual conference ng  the Philippine Press Institute PPI,  matamang susuriin ng organisasyon ang progreso ng pamamahayag sa bansa.  Tema ng pagdiriwang ng PPI ay “Watching the watchdog” na idaraos sa Hunyo 13-14 sa New World Hotel sa Makati.

Nahaharap ang mainline journalism sa kompetisyon sa tinatawag na social media sa digital age. Magtitipon ang mga publishers at editors ng mga pahayagan mula sa lahat ng panig ng bansa upang talakayin ang mga suliraning kinakaharap ng journalism na lalung nakakaapekto sa mga maliliit na community papers

 Dadalo ang mga kasapi ng diplomatic community, jour-nalism at communication students, educators, business groups, mga media executives at opisyal ng pamahalaan.

 Ayon sa publisher ng Malaya na si Jake Macasaet, board chairman ng PPI, “We need to be critical of ourselves too.”  Aniya hindi lamang ethics ang problema kundi ang pananatili o survival ng  mga pahayagan sa tumitinding kompetisyon sa on-line media na dito’y nagiging instant journalists ang kahit sino.

 Si PPI vice-chairman Vergel Santos ang magbubukas sa konperensya. Ani Santos dapat ding pagtuunan ang proficiency kahusayan ng pamamahayag. 

“Not only because the quality of professional practice in every aspect is poor, but also because technology has opened the practice to people altogether untrained for it, not to mention clueless about it,” aniya.

Mga de kalibreng tagapagsalita ang naanyayahan tulad nina Dean Rolando Tolentino ng University of the Philippines’ College of Mass Communication (UPCMC), Ramon Tuazon ng Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC). foreign correspondent at kilalang journalist-blogger  na si Raissa Robles, press freedom fighter Rowena Paraan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Malou Mangahas ng Philippine Center on Investigative Journalism (PCIJ), at Marites Vitug ng Rappler.

Kikilalanin din at sa pagdiriwang at bibigyan ng Civic Journalism Community Press Awards ang mga natatanging community papers sa  buong bansa sa malalim at mahusay na pagtalakay sa mga napapanahong paksa tulad ng kultura at sining,  climate change at bio-diversity reporting na siya ring exhibit theme ng taunang pagdiriwang.

 

ANI SANTOS

ASIAN INSTITUTE OF JOURNALISM AND COMMUNICATION

CIVIC JOURNALISM COMMUNITY PRESS AWARDS

COLLEGE OF MASS COMMUNICATION

DEAN ROLANDO TOLENTINO

INVESTIGATIVE JOURNALISM

JAKE MACASAET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with