^

PSN Opinyon

‘Investment scams’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMI pa rin ang nabibiktima ng mga naglipanang multi-network marketing firm sa bansa. Mga grupo ng mga baluktot ang utak na walang ibang inatupag kundi ang maghanap ng mga potential victim!

Karaniwang biktima sa modus na ito ay ang mga umaasa sa boladas at pangako na madodoble ang kanilang ibinayad na registration fee sa kumpanya. Sa mga imbestigasyon ng BITAG, mas pinipili ng mga sindikato na maglungga sa mga mahihirap na probinsya at rehiyon sa bansa.

Estratihiya at paraan nila ito para mas mapadali ang pagdami ng kanilang myembro sa pamamagitan ng recruitment process. Oras na mapasok at manipula nila ang isang lugar, simula na ito ng kalbaryo ng mga residente sa lalawigan!

Nitong nakaraang mga araw, naglabas ng babala ang Security Exchange Commission laban sa mga investor companies na nagkukuta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ayon sa ahensya, marami silang nasumpungang investment company na nagkukubli sa rehistro bilang insurance company na nag-o-operate sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, tinukoy ng SEC ang Global Well­ness Inc.; Profit Clicking, JSS-Tripler and JustBeenPaid;  Evergreen Co.; Binondo-based Cardlinks Teleconn Insu-rance Agency Inc.; 1Riders Power Team Inc.; at dalawa pang hindi pinangalanang kumpanya. Tulad ng mga nauna nang naipasarang mga investment scam, pinupuntirya ng mga kumpanyang ito ang mga mag-aaral para maging myembro ng kanilang working marketing team.

Ang siste, mas madali kasing magoyo ang mga bata sa ka­ni­lang mga hokus-pokus partikular ang mga mag-aaral sa mga mahihirap na probinsya. Pinag-iingat ng BITAG ang publiko. Maging mausisa at matalino sa mga boladas at pangako ng mga sindikato!

‘Yang mga multi-network marketing firm kasi na ‘yan, ga­gawa at gagawa ng paraan para makapanlinlang at makalimas ng pera sa kanilang mga profiled victim.

Ibig sabihin, napag-aralan na nila kung anong estilo at estratihiya ang gagamitin at paiiralin nila sa espisipikong lugar para matupad nila ang kanilang mga layunin! Suriing mabuti ang sinasalihang mga investment company. Huwag magpapaniwala sa boladas ng mga kolokoy upang hindi maloko sa kanilang aktibidades!

 

AGENCY INC

AYON

CARDLINKS TELECONN INSU

EVERGREEN CO

GLOBAL WELL

POWER TEAM INC

PROFIT CLICKING

SECURITY EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with