^

PSN Opinyon

‘I’m done’ — Bro. Eddie

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAHIT napako sa pang-19 sa hanay ng mga kumandidatong senador, nagdaos pa rin ng thangksgiving party si Bangon Pilipinas senatorial bet Eddie Villanueva sa Jade Valley Restaurant sa Quezon City nung isang gabi.

Sandamakmak na mga supporters ang dumalo at tinanggap nila ang marubdob na pasasalamat ni Bro. Eddie. Kabilang din ang inyong lingkod sa mga naanyayahan. Naroroon ang mga volunteer campaigners na karamihan ay kabataan at mga negosyanteng nagbigay sa kanya ng financial support dahil naniniwala sila sa adbokasya ni Bro. Eddie para sa isang pamahalaan tunay na matuwid at maka-diyos. Slogan palibhasa ni Bro. Eddie ang “Unahin ang Diyos nang bumangon ang Bayan.”

“Hindi ko matutumbasan ng salapi ang inyong walang sawang pagsuporta sa aking kandidatura pero Diyos ang bahalang gumanti sa inyo. Hindi makalalampas sa pansin ng Diyos ang ginawa ninyong suporta sa akin,” aniya sa isang dinner fellowship.

Hindi lamang ang mga nagsidalo sa pagtitipon ang ipinanalangin ni Bro. Eddie kundi pati yaong mga nagwagi sa senatorial race upang sila’y gabayan sa pagtupad sa kanilang tungkulin bilang mambabatas.

Hindi itinuturing ni Bro. Eddie at ng kanyang mga supporters na kabiguan ang hindi niya paglusot sa tinatawag na “magic 12” bagkus isang tagumpay dahil sumunod siya sa leading ng Panginoong Diyos na lumahok sa halalan.  Dalawang beses siyang kumandidato sa pagka-Pangulo at nabigo  (2004 at 2010) at tiniyak niya na ang pagsabak niya sa senatorial race ang siyang magiging kahuli-hulihan. “Pagod na rin ako” aniya. “Hindi na ako magha-hangad pa ng ano mang public office” aniya. Sabi nga ng Biblia sa Romans 8:28 “All things work toge-ther for good to them who love God and who are called according to His purpose.”

Aniya, pasisiglahin na lamang niya ang kanyang partidong Bangon Pilipinas at ikakandidato sa iba’t ibang public offices ang mga kabataang maka-diyos at may mga bagong ideya na makatutulong sa pag-aangat ng bayan lalu na yung tungkol sa pagsugpo ng corruption. Aniya, ang pagpasok niya sa pulitika ay hindi personal na interes kundi upang bigyan ng puwang ang Di­yos sa pamamalakad ng pamahalaan. Oo nga naman. Kapag ang mga nakaluklok sa pamahalaan ay may likas na takot at pitagan sa Diyos, tiyak na hindi sila gagawa ng katiwalian kundi maglilingkod ng tapat sa taumbayan.

ANIYA

BANGON PILIPINAS

DIYOS

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

JADE VALLEY RESTAURANT

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with