^

PSN Opinyon

Ang illegal recruiter

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ITO ay isang kaso ng illegal recruitment. Mula Pebrero 1993 hanggang Hulyo 1994, pinaniwala ni Mila sina Mike, Joe, Vic at Jerry na kaya niyang ipadala ang mga ito upang magtrabaho bilang factory worker sa South Korea. Humingi siya ng pera para sa placement/processing fee. Binigyan siya ni Mike ng P30,000, nagbigay naman ng P40,000 si Joe, P39,000 kay Vic at P29,000 ang kay Jerry. Matapos tanggapin ang pera, hindi naman niya naipadala sa ibang bansa ang mga ito.

Nabisto rin ng apat na wala naman palang lisensiya si Mila upang ipadala sila sa ibang bansa. Noong Hunyo 21, 1995, kinasuhan si Mila at ang dalawang anak niya ng “Illegal recruitment on large scale”. Sa paglilitis, tumestigo ang apat at inulit-ulit kung ano ang ginawa sa kanila ni Mila. Napaniwala raw sila ng babae na kaya silang ipadala sa ibang bansa. Tumanggap siya ng pera mula sa kanila at nagbigay pa ng resibo para sa perang tinanggap.

Base sa pahayag ng mga testigo at mga dokumentong ginamit na ebidensiya, nahatulan ng Korte na mabilanggo si Mila. Pareho din ang naging hatol  ng Court of Appeals. Kinuwestiyon ni Mila ang naging desisyon sa kanya. Aniya hindi siya dapat parusahan dahil tinulungan lang niya ang apat sa aplikasyon nila sa isang recruitment agency, ang JH Imperial Organization Placement Corp. na nakinabang sa tinanggap niyang pera. Tama ba si Mila?

MALI. Ang pinarurusahan sa batas (Art. 13 [b] Labor Code) ay ang pangangalap, pagbibiyahe, paggamit o pagkuha ng tao na magtatrabaho sa loob o labas ng bansa, may kita man o wala basta’t walang kaukulang lisensiya o papeles ang taong gumagawa nito. Kasama sa pinarurusahan ng  batas ang  pa-ngangako, pangongontrata at ang mismong “referral” dito sa JH Imperial Organization Placement Corp ng tao sa agency. Kahit pa sabihin na “referral” lang ang ginawa ni Mila para tulungan ang apat  na makapasok, malinaw na sakop pa rin ito sa pinarurusahan ng batas. Ang simpleng panghihimok sa kanila na magtrabaho sa ibang bansa ay sakop na rin ng salitang “referral” basta napatunayan na ipinapasa nila ang taong magtatrabaho sa kunwari ay magiging amo  o opisinang papasukan.

Sa kasong ito, malaking bagay na walang hawak na lisensiya o awtorisasyon si Mila upang kumuha ng tao. Malinaw na illegal recruitment ang kanyang ginagawa. Kahit sabihin pa na may lisensiya ang JH Imperial na magpadala ng tao upang magtrabaho sa ibang bansa, wala naman siyang naipakitang ebidensiya na pinagkatiwalaan siya ng kompanya upang kumuha ng tao.

Ang tatlong element ng kasong illegal recruitment ay ang sumusunod: 1) walang lisensiya/awtorisasyon ang akusado upang kumuha o mag-“recruit” ng taong magtatrabaho sa ibang bansa, 2) ginawa ng akusado ang anumang aktibidades na nakasaad sa Art. 13 (b) ng Labor Code at ang anumang ipinagbabawal alinsunod sa Art. 34 ng parehong batas, 3) ginawa niya ito laban

 sa tatlo o higit pang biktima, indibidwal man o bilang isang grupo. Lahat ng nasabing ele­mento ay narito sa kaso kaya tama lamang ang naging hatol ng korte at ng CA kay Mila. (People vs. Martinez, G.R. No. 158627, March 5, 2010).

BANSA

COURT OF APPEALS

IMPERIAL ORGANIZATION PLACEMENT CORP

KAHIT

LABOR CODE

MILA

MULA PEBRERO

NOONG HUNYO

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with