LABINTATLONG taon na ang nakalilipas mula nang paslangin ang PR man na si Salvador “Bubby†Dacer at kanyang driver na si Emmanuel Corbito. Nobyembre 2000 nang dukutin sina Dacer at Corbito habang patungo sa Maynila sakay ng white Toyota Revo. Natagpuan ang sasakyan ni Dacer ilang araw ang lumipas at kasunod niyon ay ang pagkakatagpo naman sa mga sunog na bangkay ng mga biktima sa isang bayan sa Cavite.
Itinurong mga suspect ang mga miyembro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF). Si dating PNP chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson ang hepe ng PAOCTF. Kabilang sa mga kinasuhan sina Michael Ray Aquino at Cesar Mancao. Sinampahan sila ng kaso noong 2001. Pero bago sila nasilbihan ng subpoena, nakalabas ng bansa ang mga akusado. Nakabalik sa bansa si Mancao noong 2009 at si Aquino noong 2011. Parehong ikinulong ang dalawa nang makabalik sa bansa. Itinuro ni Mancao si Lacson na utak ng krimen. Nagtago si Lacson sa loob ng isang taon at bumalik lamang sa bansa makaraang ma-clear ng Court of Appeals.
Labintatlong taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon, ang inaasam-asam na hustisya ng pamilya Dacer at Corbito ay lubhang napakailap. Grabe na ang paghihirap ng kanilang kalooban dahil sa pangyayari. Napakasakit ang pagkamatay ng kanilang padre-de-pamilya. At lalo pang sumasakit kapag nakikita nilang ang mga sangkot na tao ay tila balewala lang ang pangyayari. Naidadalangin marahil nila na mabuti pang namatay sa sakit o kaya’y naaksidente ang mga biktima at least alam nila ang dahilan ng pagkamatay. Kaysa naman sa nangyaÂring malagim na kamatayan ng mga ito na hanggang ngayon ay isang misteryo kung bakit pinapatay.
Lalo pang nadagdagan ang sakit na kanilang naramdaman nang makatakas sa NBI detention cell ang isa sa mga suspect na si Mancao. Tila lumalabo na ang kanilang pag-asa na matikman pa ang inaasam na hustisya. Tila nagkakatotoo na ang kanilang paniniwala na mayroong mali sa justice system sa bansa.