^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kawawang manggagawa

Pilipino Star Ngayon

WALANG wage increase ngayong Araw ng Paggawa. At inaasahan na ito ng mga manggagawa. Ilang araw bago ang Araw ng Paggawa, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na walang dagdag sa sahod. Una na ring inihayag ng Malacañang na walang increase sa sahod ng mga manggagawa. Maraming Araw ng Paggawa na ang nakalipas na walang nakukuhang umento ang mga manggagawa at sanay na sila rito. Kaya naman sa Araw ng Paggawa, nauuwi ito sa Araw ng Pag­ngawa. Ngayong araw na ito, maraming lugar sa bansa ang pagdadausan ng Araw ng Pagngawa. Ilalabas ng mga manggagawa ang kanilang mga hina­ing sa araw na ito. Kahit man lang sa pagngawa ay maibahagi nila ang mga matagal nang isinasaloob.

Kawawa ang mga manggagawa. Sa kasalukuyan, kumikita ng P277.81 bawat araw ang mga manggagawa. Kapiranggot ang kinikitang ito para sa pamilyang may limang miyembro. Sa kinikitang ito kukunin ang mga pangangailangan sa araw-araw --- pagkain, upa sa bahay, bayad sa ilaw at tubig, pamasahe at paano kung may pinag-aaral pa. Paano rin kung may magkasakit sa pamilya? Ngayong nagtataasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, paano pa pagkakasyahin ang kapiranggot na kinikita.

Problema rin ng mga manggagawa ang con­tractualization. Maraming establisimento ngayon na pawang contractual ang mga trabahador. Pagka­lipas ng lima o anim na buwan, panibagong kontrata na naman. Ang contractualization ang naging­ panlaban ng employer para hindi mai-promote ang mga empleado at ligtas sila sa pagbibigay ng umento. Ang contractualization ay naglalagay sa manggagawa ng kawalan ng security of tenure. Napaka-anti-labor ng praktis na ito. Napakasamang patakaran na dapat nang mawala.

Panahon na para pagtuunan ng Aquino government ang issue sa contractualization. Tapusin na ang ganitong polisiya. Bago man lang siya matapos sa kanyang termino, maisaayos sana ang kalagayan ng mga manggagawa para naman matigil na ang pagngawa sa Araw ng Paggawa.

AQUINO

ARAW

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

MANGGAGAWA

MARAMING ARAW

NGAYONG

PAGGAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with