^

PSN Opinyon

Kongresista, nagpapasara ng beerhouse at pinagsasayaw ang mga GRO

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang may kakaibang trip ang isang congressman?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Trade Sec. Titoy Pardo, Bro. Erick San Juan, Bro. Pan Navarroza, Sis Ester Bunyi at Ma. Lea Ungson

 Matindi pala ang bisyo ni Congressman lalo na kapag sinusumpong ng kanyang kapilyuhan. Ayon sa aking bubwit, kapag umiral ang kaelyahan ni congressman, nagpapasara ito ng nite club o beerhouse sa kanilang lugar at pinaglalaruan ang mga kababaihan. Naku Bossing, ayaw ng mga taga-Gabriela ng ganyan.

Papipilahin ang mga dancer at GRO at saka pinagsasayaw sa kanyang harapan. Siyempre, sa takot ng may-ari ng club ay wala itong magawa kundi pagbigyan ang kapritso ni Congressman.

Ayon pa sa aking bubwit, kapag kinati naman si Congressman, ito ay kumukuha ng sex worker at matapos niyang gamitin ay ipinapasa pa sa kanyang bodyguard.

Ang kongresista na may kakaibang trip sa mga kababaihan ay walang iba kundi si congressman… Siya ay anak ng dating pulitiko sa Bicolandia. Nang tumanda ang kanyang ama, siya naman ang pumalit bilang kongresista. Siya ay walang iba kundi si Congressman U. as in Uragon!

vuukle comment

AYON

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN U

ERICK SAN JUAN

LEA UNGSON

NAKU BOSSING

PAN NAVARROZA

SIS ESTER BUNYI

SIYA

TITOY PARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with