2 senatorial candidates ng team P-Noy, nag-isnaban sa kampanya
ALAM n’yo bang isnabera talaga ang isang senatorial candidate ng Team P-Noy?
Ayon sa aking bubwit, kapag nasa entablado ang kandidatong ito ay napakaganda ang pakikitungo sa kanyang mga kasamahan, subalit kapag wala na sa harapan ng publiko, lumalabas na ang kanyang masamang ugali.
Kaya ang bansag sa kanya ngayon ng ilang kasama sa partido ay Plastic Queen. Bukod sa Plastic Queen, tinatawag din siyang Sablay Queen dahil sa mga kapalpakan niya sa mga kampanya.
Mali-mali ang kanyang greetings sa local dialect sa mga lugar na kanilang pinupuntahan. Pati pangalan ng mga lugar na pinupuntahan ay hindi pa makabisado kaya pinagtatawanan ng mga taong nanonood.
Ayon pa sa aking bubwit, inisnab nitong senatorial candidate ang kanyang kasamahan nang magkasabay sila sa eroplano patungong Capiz. Isa na lang ang bakante sa harapang upuan ng PAL at doon pinauupo si Madam candidate ng stewardess. Pero nang makitang makakatabi niya pala ang isang senatorial candidate na babae, umiling ito at inirapan pa.
Kaya pala napakababa ng rating nito sa mga survey dahil masama ang ugali at matapobre.
Ang senatorial candidate na inisnab ni Plastic Queen ay si dating congresswoman Cynthia Villar. At ang kinaiinisan namang kandidata dahil maarte, mataray, isnabera at sandamakmak ang bodyguards ay si dating senador M. as in Mayaman.
- Latest