MAHIGIT dalawang libong taon na ang nakalilipas mula nang palaganapin ng mga apostol ang kanilang misyon. Lumaganap na ang kanilang misyon sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Subalit marami sa mga kapwa nila Hudyo na hanggang ngayon ay hindi matanggap ang aral at turo ng kababayang si Hesus. Maging sina Pablo at Bernabe ay nilait nila kaya sila’y nagpunta sa mga Hentil: “Inilagay kita na maging ilaw sa mga Hentil upang maibalita mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdigâ€.
Kaya ang simbahang itinayo ni Hesus ay lumaganap na sa buong daigdig, ang Kristiyanismo. Napakatigas ng kanilang puso at diwa na hindi nila matanggap na ang kanilang kalahi na si Hesus na ipinadala ng Ama sa langit ang naghatid sa kanila ng bagong aral ng pag-ibig ng Diyos. Kaya’t hanggang ngayon ang pananampalatayang Kristiyano ay wala sa kanila kahima’t ang buong daigdig ay dumadalaw sa lupang sinilangan ni Hesus.
Maging ang Pahayag ni Juan ay isang katotohanan: “Napakaraming taong hindi kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan at wikaâ€. Tayong lahat ngayon ang nagpupuri sa Kordero ng Diyos na ating mabuting Pastol. Tayo ang mga tupa ni Hesus na dapat makinig sa kanyang aral; tayo’y kanyang nakikilala at dapat natin Siyang sundin sapagka’t bibigyan tayo ng buhay na walang hanggan.
Magpasalamat tayo sa liwanag ng Espiritu Santo sa pagkahirang kay Pope Francis bilang bagong pinuno ng ating simbahan. Nadarama natin na sa pinaka-simula ng kanyang panunungkulan ay ipinahayag niya kaagad ang kanyang paanyaya sa ating mga kapwa nilalang ng Diyos, anuman ang kanilang relihiyon o pananampalataya. Ang Santo Papa ay itinalaga ng Diyos sa pagkakaisa ng pagpupuri at pagpapasalamat sa iisang Diyos na lumikha sa ating lahat, lalo na ang dalawang anak ni Abraham na sina Ismael at Isaac upang limutin na ang hidwaan at magpatawaran.
Gawa 13:14, 43-52; Salmo 99; Pahayag 7:9, 14b-17 at Juan 10:27-30