NAPANSIN ko na sobra ang sipag sa pangangampanya ni reelectionist Senator Loren Legarda kahit No. 1 na siya sa lahat ng survey na lumalabas bago pa ang May 13 elections.
Parang walang kapaguran si Loren sa pangangampanya mula pa sa madaling-araw na flights na kung saan siya naka-schedule na mangampanya hanggang hatinggabi ay nasa rally pa rin siya.
Nagkataon na nagkover ako noong isang gabi sa dalawang rally ng Hugpong sa Tawong Lungsod local party na pinangunahan ni Vice Mayor Rodrigo Duterte dito sa Punta Dumalag at Barangay 37-D.
Sumabay kasi ako sa grupo ni Team P-Noy senatoriable na si Cong. Sonny Angara dahil gusto ko ngang masaksihan na finally i-endorso na ni Duterte si Angara pagkatapos ng may ilang buwan ding hindi pagkaunawaan sa dalawang kampo.
Nagulat ako nang makita si Loren sa stage nang dumating kami sa rally sa Punta Dumalag.
Naitanong ko sa sarili na wala bang kapaguran si Loren at heto na naman siya sa Davao City na kung saan alam ko na galing pa nga siya sa Buluan, Maguindanao sa rally ni President Aquino para sa mga LP candidates sa Central Mindanao at sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.
At heto pa, hindi sumasakay ng helicopter si Loren. Takot siya sa helicopter pagkatapos daw na may mga masama siyang experience sa chopper kaya hinding-hindi na raw talaga siya sasakay nito,
Kaya nga ang alam ko eh, galing pa raw siyang NorthÂwestern Mindanao pagkatapos lumipad pabalik sa Manila noong Huwebes tapos lumipad na naman pa-South Cotabato para sa LP rally sa Buluan at tumuloy pa sa Davao City na may apat na oras pang land travel.
Pagdating sa Davao City sumabak agad sa rally ni Duterte sa Punta Dumalag at sa Barangay 37-D na parang walang kapaguran.
Lampas hatinggabi nang natapos siya sa rally ni Duterte at siya ay lumipad na naman kahapon ng 6:00 ng umaga pabalik ng Manila upang mag-change plane lang sa NAIA kasi patungo na naman siyang Isabela province upang maglibot maging sa mga karatig lugar nito.
Kaya nga napamangha ako sa sipag niya sa pangaÂngampanya na sinang-ayunan naman ni Duterte at maging ni Sonny Angara. Sobra raw talaga ang sipag niya kahit na No. 1 na nga siya.
Hindi na ako magtataka kung hanggang sa resulta ng halalan sa May 13 ay lalabas na lampas pa sa No. 1 si Loren.