Tinatapakan si Mayor Calixto
SUPER init na ang takbo ng politika sa Pasay City, ito ang pinarating sa akin ng mga Pasayeños matapos ilunsad ni incumbent mayor Antonio “Tony†Calixto ang Garbage Monsters Information Program bilang bahagi ng week-long City Environmental Awareness Campaign. Kasi nga, ang dating kaibigan ni Mayor Calixto na businessman na makakatunggali niya sa darating na May 13, 2013 eleksyon ay nagpalabas ng mga paninira laban sa mga proyektong inilalatag nga ni mayor. Ang masakit hindi kinakagat ng mga Pasayeños ang mga patutsada ni businessman dahil ayon sa aking mga nakausap, noon pa man binalak na niyang tapakan si Mayor Calixto nang manalo ito sa 2010 eleksyon. Binaraso umano ng businessman ang mga contractor ng lungsod upang magkamal nang malaking porsiyento sa mga proyekto.
Maging ang mga sugal lupa sa lungsod ng Pasay ay ipinakalat ni businessman at sa tuwing sasalakayin ng mga kapulisan ay pangalan ni Mayor Calixto ang kanyang sinasangkalan. Binalak din umano nitong si businessman na iluklok ang lahat niyang mga bataan sa lahat ng departamento ng Pasay City hall upang madali niyang makakutsaba sa mga tiwaling transaksyon. Doon na nagsimula ang masalimuot at kalbayo ng pagsasama nila ni Mayor Calixto. Ngunit hindi kawalan kay Mayor Calixto ang paglihis ng landas ng dati niyang kaibigan dahil ito rin ang nagmulat ang naggiya upang iparating ang tamang serbisyo publiko sa mga mahihirap na Pasayenos.
Naipatayo ni Mayor Calixto ang mga gusaling pampaaralan na malaking biyaya sa Pasayeños, naisaayos ang mga drainage kung kaya kung bahain man sa ngayon ang Pasay ay hindi na katulad noong mga nagdaang panahon. Naging mabilis na rin ang pagproseso ng business permit kung kaya maraming investors ang naganyak na magtayo ng kanilang mga gusali at negosyo na maÂlaking tulong sa pagbibigay ng trabaho sa Pasayeños. Nabawasan na rin ang mga kriminal sa kalye matapos na ikumpas ni Mayor Calixto sa mga kapulisan ang kanyang kamay na bakal. At noong nakaraang Sabado inilunsad naman ni Mayor Calixto ang Garbage Monsters bilang pagtugon sa problema sa basura ng lungsod. May katwiran si Calixto na sa pagiging soundless sa lahat ng pagbabago ng Pasay City dahil nakikita ng mga Pasayeños ang unti-unting pagbangon nito sa kahirapan. Sa tingin ko kasi sa mga Pasayeños, magugustuhan pa nila na walang pa-epal kaysa sa puro ngawa wala namang nagagawa.
Kaya kayo diyan sa Pasay City mag-isip kayo bago n’yo ibigay ang inyong taÂnging yaman na karapatan sa May 13 eleksyon. Get n’yo! Paalala lang mga suki, ngayon summer usung-uso ngayon ang sunog kung kayat huwag nating pabaÂyaan ang mga kabataan na naglaro ng posporo o nagliliyab na bagay upang makaiwas sa disgrasya. Palagiin po nating nakasara ang LPG tanks, at patayin ang mga appliances matapos na gamitin upang maÂiwasan ang over heating. At ngaÂyong Kuwaresma maÂging maingat po tayo sa ating mga tahanan dahil ito ang panahon na pagsalaÂkay ng mga kawatan. PalagiÂing nakakandado ang inyong taÂhanan bago n’yo iwanan at oras na may di kanais-nais na personalidad sa inyong lugar itawag kaagad sa pinakaÂmalapit na himpilan ng pulis at barangay.
- Latest