NAPUPUNO na ang mga terminal ng bus ng mga pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya para sa Semana Santa. Ang Semana Santa ang isa sa pinaka-mahalaga at pinaka-mahabang bakasyon sa Pilipinas.
Ano na ba ang pagkakaiba ng Semana Santa ngayon, kumpara noon. Naging dahilan para makapagbakasyon grande, imbis na gunitain ang pagsasakripisyo ni HesuÂkristo. Naaalala ko noong wala pang cable TV, walang internet, walang mga mall na bukas kahit Biyernes Santo, wala lahat! Iilan lamang ang channel sa TV, at puro relihiyosong programa pa ang pinapalabas. Si Mother Theresa pa ang namumuno ng rosaryo sa isang channel, si Father Peyton naman sa isa! Kaya nga ang kasabihang “Biyernes Santo†ay para maglarawan ng labis na kalungkutan, at tunay na napaka-lungkot nga ng mga panahong iyon! Ang Semana Santa ay ang panahon kung kailan patay ang Diyos, ika nga. Kaya dapat malungkot!
Alam ko nagagalit ang aking ina kapag magulo kami ng kapatid ko kapag Huwebes at Biyernes Santo! Bunsod naman kasi ng matinding kainipan! Mahirap naman talagang tibagin ang mga nakasanayang tradisyon. Ngayon ang Semana Santa ang perpektong panahon para magtungo ng mga kilalang dalampasigan. May mga nangingibang bansa pa, di ba? Lahat ng klaseng aliwan ay nagagawa na sa Holy Week.
Hindi ko naman sinasabing mali ang lahat na ito. May mga pari na sumasama pa nga sa mga bakasyunang iyan, at magmimisa na lang sa mga takdang araw at oras. Ang sa akin lang ay dapat alamin, gunitain at magbigay pasasalamat para sa mga naganap noong unang Semana Santa, kung saan inaresto, inakusahan, kinasuhan, hinaÂtulan, pinahirapan at ipinako sa krus si Hesukristo. Habang nagpapaitim sa araw, habang lumalangoy o naglaÂlaro sa dagat, habang kumakain at umiinom ng alak nang sobra-sobra, tandaan, kahit ilang sandali, na nagagawa ang lahat na iyan, dahil sa sakripisyo ng anak ng Diyos!