Prayer and fasting para kay Pacman

MATAPOS nagpahayag ng suporta ang ating People’s Champ at Saranggani Rep. Manny Pacquiao  sa senatorial bid ni Bro. Eddie Villanueva, alam n’yo ba ang ganti ng televangelist sa ating kampeon? Prayer and fasting para manalo sa susunod niyang laban.

Ayon kay Bro. Eddie  inilagay ng Diyos sa kanyang puso  ang pananalangin at pag- aayuno tatlong araw bago  ang boxing match ni Pacquiao para tiyakin ang panalo nito.

Well, bilang isang Pilipino dalangin ko rin na  magwagi si Pacquiao na nagbigay na ng napakaraming karangalan sa ating bansa at sa bawat Pilipinong humahanga sa kanya. Pero umaasa pa rin ako na sana’y magpahinga na siya sa boksing para hindi siya mahubaran ng karangalan. Natalo na siya kay Marquez kaya sana’y huwag nang dagdagan pa ang pagkatalo.

Tiniyak din ni Bro. Eddie na susuportahan ng mga miyem­bro ng Jesus Is Lord (JIL) church sa General Santos City ang mga inendorsong kandidato ni Pacquiao, kabilang na ang kapatid nitong si Roel na tumatakbong Kongresista ng unang  distrito ng Cotabato at asawang si Jinky na tumatakbo naman bilang Vice Governor ng Sarangani.

Sa taglay na popularidad ni Paquiao, naniniwala akong malaking bagay ang pag-endorso niya sa sino mang kandidato tulad ni Bro. Eddie. Sa paglilibot sa buong bansa ni Bro. Eddie,  nagpahayag din ng suporta ang mga local officials.

Pero kapansin-pansin ang pagkiling ni Pacquiao sa nakararaming kandidato ng United Nationalist Alliance ( UNA) bagamat mayroon din naman siyang inendorso sa Team Pnoy tulad ng pinsan ng Pangulo na si Bam Aquino. What do you expect naman eh UNA ang partido ni Pacman.

Ani Pacquiao, tanging ang mga kandidato lang ng UNA ang susuporta sa sustainable program tulad ng pang kabuhayan at edukasyon. Naniniwala si Pacquiao na si   Villanueva ay isang “man of God” na maaring magbahagi ng salita ng Diyos sa mga pulitiko.

Show comments