POSITIBONG balita ang naging kasunduan kamakailan ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia na magpatupad ng “standard employment contract†para sa mga Filipino domestic worker sa naturang bansa.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE), isinasapinal na ngayon ang magiging opisyal na “PHL-KSA Agreement on Recruitment of Domestic Workers†na magtatakda ng mga polisiya tulad nang makatwirang pasahod, mga benepisyo at karapatan ng mga domestic workers.
Nakasaad din umano rito ang sistema sa pagtugon sa anumang magiging problema o reklamo ng domestic workers sa kanilang trabaho, amo at recruiter.
Ang kasunduang ito umano ang gagabay sa lahat ng mga employer, recruiter at mga otoridad sa dalawang bansa hinggil sa tamang pagtrato sa domestic workers.
Noon pa man at hanggang ngayon ay patuloy na ipinupursige ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na magkaroon ng mga kasunduan sa paggawa sa pagitan ng Pilipinas at ng mga bansang pinupuntahan ng mga OFW. Sa ganitong paraan kasi aniya ay magagarantiya ang kapakanan ng ating mga migranteng manggagawa.
Ang KSA ay isang top OFW destination country. Matatandaang tumungo roon si Jinggoy at nakipagpulong sa mga Saudi official upang personal na hilingin ang pagkakaroon ng labor agreement ng dalawang bansa.
Ang PHL-KSA agreement ay isang positibong kaganapan laluna’t ang mga domestic worker ay madalas na nakararanas ng pang-aagrabyado, pang-aabuso at pagmamalupit.
Inaasahan na sa mga susunod na panahon ay magkakaroon na rin ng ganitong kasunduan ang Pilipinas sa lahat ng iba pang bansa, pati na rin ng katulad na kasunduan para sa iba pang mga OFW.
Samantala, binabati ko ang mga nakapasa sa nagdaang bar examination.