MALUGOD na inaanyayahan ang mga mananabong ni Atty. Biyong Garing, promoter, sa 5 cock invitational derby sa Tagaytay Excellence Tourist Arena dyan sa Tagaytay City sa March 23, 2013 (Sabado) sa ganap na alas-3 pm.
Sabi ni Ka Biyong, hindi biro ang prize pot dahil open ito, P50,000 sa handler, P25,000 sa gaffer, P33,000 ang minimum bet at P55,000 ang pot money.
Ipinaalala ni Ka Biyong, na ang submission ng weights ay hanggang 9pm isang araw bago ang derby.
Ang mga artificial colored o vultures ay hindi puede sa derby kaya huwag na kayong magpagod pa !
Biazon ayaw tantanan ang mga gago sa Customs
HINDI na tinatantanan ni BOC Commissioner Ruffy Biazon ang paglansag sa mga economic saboteur sa Philippines my Philippines kaya naman kahit matitigas sila at may mga ginagamit pang mga padrino ayon kamot pa rin sila ng ulo oras na nahuli ang kargamento nito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kayod marino si Ruffy sa aduana lahat ng gustong gumawa ng illegal ay pinaghuhuli nito at lahat din ng mga kasabwat ng mga smuggler ay pinakakasuhan niya miski pa mga tauhan niya ay hindi siya nangingimi na ipasibak sila sa trabaho.
Dahil sa ipinakikita ni Ruffy na ‘ituwid ang daan’ sa bureau para sa ikabubuti at ikauunlad ng economy sa Philippines my Philippines ito ngayon ang ginagawa ng kanyang mga division chief sa kanilang area of responsibilities ang gumawa ng maayos na sistema para ipakita ang kanilang ginagawang magandang performance .
Ika nga, suportado nila si Biazon sa kampanya versus smugglers !
Sabi nga, huli dito, huli doon. Sampa ng kaso dito, sampa ng kaso doon !
Kaya naman dahil sa pangyayaring ito marami ‘crying like a cow,’ sa aduana dahil puro kaso ang inaabot nila ngayon hindi katulad dati basta mahuli ang shipment para silang mga daga na umuuwi lamang sa kanilang mga lungga hindi katulad ngayon sa panahon ni Biazon himas rehas ang kanilang gagawin.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinatupad ni Ruffy ang pagmonitor at paghuli sa mga pier, paliparan at maging sa mga tindahan kung saan ibinebenta ang mga smuggled good.
Ika nga, walang lusot !
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga sumisira kay Ruffy kahit na maganda ang performance sa bureau kahit anong huli ang gawin niya tulad ng mga imported rice, sugar, fake bags, illegal drugs, guns and ammo ay tinitirya pa rin siya ng mga gagong inggit na inggit sa kanya.
‘naharang kasi ni Ruffy ang lahat ng butas na puedeng lusutan ng mga international drug lord at smugglers kahit papalit-palit sila ng istilo kaya naman grabe ang ginagawa sa kanya para ikampana este mali ikampanya pala para sirain ang kredibilidad nito.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘bakit ganoon ?’
‘hindi kasi biro ang salapi sa droga
at pera ng mga smuggler.’
Abangan.
Si Roland ‘lamas’ ng SPD
KUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito pala si alyas Roland ‘lamas’ ang bagman dyan sa Southern Police Distirct pagdating sa usapin illegal lalo na kung tungkol sa illegal gambling.
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sanggang dikit daw si alyas Roland ‘lamas’ si SPD bossing Villacorta kasi ito raw ang taga-lamas este mali himas pala sa kanyang bulsa ?
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
Abangan.