Pagtatawanan lang sina Roxas at Uyami
DAPAT mabitag ni CIDG director Chief Supt. Francisco Uyami Jr., si Dodjie Lasierda, ang pangkalawakang tong collector sa mga pasugalan sa Calabarzon area. Kapag nasa poder na ni Uyami si Lasierda, matutuklasan niya na ginagamit nito si Sr. Supt. Pedro Cabatingan, bagong hepe ng CIDG Field Office sa Calabarzon, para paikutan ang kanyang “no take, no contact†policy. Sinabi ng mga kausap ko sa Southern Tagalog na hindi lang si Calabarzon police director Chief Supt. Benito Estipona ang kinokolekta ni Lasierda ng lingguhang intelihensiya sa mga pasugalan kundi maging si Cabatingan at mga regional officer ng NBI, Intelligence Group at iba pang operating units ng gobyerno. Ang tawag diyan sa street parlance Gen. Uyami ay “lagom.†Si Lasierda na ang kolektor ng buong operating units ng CIDG, local police, NBI, IG, GAB at iba pa sa Southern Tagalog at wala siyang kinatatakutan, maging ang kababayan kong si DILG Sec. Mar Roxas. Maaring maraming pitsa ang napupunta sa bulsa ni Lasierda subalit ang napapahiya rito ay walang iba kundi si Uyami na napapaikutan nila ni Col. Cabatingan.
May katwiran namang hindi matakot si Lasierda kay Roxas dahil ang katwiran niya hindi naman siya pulis. Kung sabagay, hindi naman maipatapon ni Roxas si Lasierda sa Mindanao o sa malalayong lugar dahil hindi naman ito under sa kanya. Ang magagawa lang ni Roxas ay ipa-entrap si Lasierda subalit sino ang gagawa nito kung ang lahat ng operating units sa Calabarzon ay ginagamit siya? At sinong gambling lord ang manga-ngahas na makipag-cooperate sa mga tauhan ni Roxas sa entrapment operation laban kay Lasierda e ang takot lang nila? Gagantihan sila tiyak ng mga operating units na gumagamit kay LaÂÂÂsierda at maaring maÂpasara pa sila. Si Uyami kaya ay may magagawang paraan para ma bitag si Lasierda? Ano ba yan? Mukhang pag tatawanan lang ni Lasierda sina Roxas at Uyami dahil wala silang magagawa para mapatigil ang kanyang illegal na gawain. Pasasaan ba’t tatamaan din ng kidlat si Lasierda.
Inaalam ko pa kung pati ang opisina ni Uyami ay kinokolekta rin ni Lasierda. Sa pagÂkaalam ko kasi, ni singkong duling ay waÂlang tinatanggap si Uyami sa mga pasugalan dahil nga sa “no take, no contact’ policy niya. Ang dating tong collector ng CIDG chiefs sa Calabarzon ay si Lito Guerra subalit lumipat na siya sa kuwadra ni Region 1 police director Chief Supt. Ricardo Marquez. Hindi nalalayo mga suki na may gagamit ng opisina ni Uyami sa tong collection sa hinaharap at si Lasierda lang ang matapang na gagawa nito. Abangan!
- Latest