MABIGAT na isyu ang kawalan ng Comelec ng source code na magpapatakbo ng precinct count optical scanners. Kung wala ‘yon, hindi magagawa ng 82,000 PCOS units na kilalanin ang genuine ballots, bilangin ang boto, at i-transmit ang tallies sa canvassing centers. Pero bukod sa nawawalang source code, marami pang kabit-kabit na isyu ang hindi maipaliwanag ni Comelec chairman Sixto Brillantes.
• Sa legalidad ng proseso: Dahil walang source code, hindi masunod ang ilang alituntunin ng Automated Election Law of 2008 at Comelec-Smartmatic lease-purchase contract ng 2009 at 2012. Paglabag sa kontrata ang hindi pagsumite ng Smartmatic ng source code. PagÂlabag ang hindi pagpakita nito ng Comelec sa info-tech experts at political parties. Paglabag ang hindi pagpa-testing nito sa independent outfit.
• Sa seguridad ng balota: Inaalis ng Comelec ang mga karampatang safeguards para sa malinis na halalan at accurate na bilangan. Inilalagay nito lahat ng tiwala sa PCOS machines. Sa ngalan ng pagtitipid, hindi na magta-thumbmark ang botante bilang patunay na siya at hindi impostor ang kumuha ng balota. Wala nang padlocks ang balota, kundi serial numbered plastic seals, na madali i-tamper. Wala nang personal passwords ang boards of election inspectors; nasa kamay na ng Smartmatic technicians lahat ng mangyayari sa PCOS sa presinto. Walang U/V light na pam-beripika ng genuine ballot, at walang resibo na naglilista ng wastong boto ng botante. At rewritable imbis na write-once-read-many -- samakatuwid, maaring doktorin -- ang compact flash memory cards ng PCOS units.
• Sa patuloy na mga anomalya: Niluto ng Come lec ang bidding para sa CF cards. Overpriced ang tinta ng balota, at upa sa bodega ng PCOS.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com