Bira o Bayong?
IF you’re not with me, you’re against me. Kung hindi ka makikiisa sa amin, ituturing kitang kaaway.
Madalas natin marinig ang ganitong pananalita sa mga sitwasyon na tumataas ang tensyon sa dalawang magkalaban na panig. Ang hamon ay itinatapon, kadalasan ng mga mas agresibong aktor, sa mga pumapagitna o sa mga wala pang pinaninindigan. Dapat ay mamili na sila ng panig. Huwag nang isipin pa ang paniniwala o katwiran – basta kung ayaw mong maging kaaway ko, dito ka na sa akin. Ang diktador na si Benito Mussolini ang madalas mapakinggang bumibigkas nito.
Ganitong pananakot o pambu-bully ang dating nga binitiwang salita ng Palasyo noong Lunes tungkol sa UNA. Kung magpiprisinta daw ang UNA na kaibigan sila ni President Aquino, dapat ay tumigil na sila sa kritisismo dahil kung hindi ay dapt silang ituring na kaaway.
Sa totoo lang ay hindi ko ma-gets ang ganitong asta nina Sec. Lacierda at Asec. Valte. Mula pa nang umpisa ng termino ni P-Noy, hindi na nila naitago ang pagkainis sa mga pumupuna. Hindi ba’t sinisi pa ang mga komentarista sa noo’y sumadsad na rating ng Presidente? Para bang hindi nila tanggapin na kritikal para sa malusog na demokrasya ang pagkakaroon ng oposisyon. Kaya nga bahagi ng sistema ng pamahalaan ang prinsipyo ng checks and balances upang laging napapaalalahanan ang may hawak ng kapangyarihan. “Nakamasid kami ‘oy.†Bawal ang abuso.
At lalong hindi ko maunawaan ang kanilang pambulyaw sa UNA at mismong kay Vice President Jojo Binay na hindi daw tumutulong sa administrasyon gayong si P-Noy na nga ang naglinaw na siya’y nasisiyahan sa performance ni VP Binay, lalo na sa kanyang itinulong sa mga OFW.
Para sa mga spokesmen, kung gusto ng UNA na matawag na kaibigan ng admiÂnistrasyon, tahimik na lang sila kahit may makita silang mali.
Ang kailangan daw ni PNoy ay hindi critical opposition kung hindi collaborative opposition.
Ayaw ng bira. Ang gusto bayong. Katulad ng mga bayong na isinusuot sa ulo ng mga collaborator na Makapili sa panahon ng hapon habang isinusumbong ang mga nasa resistensya.
- Latest