TINATAWAGAN ng pansin ni Atty. Silverio ‘Biyong’ Garing ang lahat ng Agustin Gutierrez Memorial Academy o AGMA batch 1974 na makipag-ugnayansa kanilang panggulo este mali pangulo pala na si Ka Biyong para sa nalalapit nna Grand Alumni Homecoming sa March 30, 2013, Don’t forget to call at 8611125 and 8611131 anuman araw at oras huwag lang madaling-araw.
* * * * *
Japanese investor natuwa kay Biazon
NATUTUWA ang mga Japanese investor na naglagak ng billion of dollar na puhunan sa Philippines my Philippines dahil sa aksyon ipinakita ni Customs Commissioner Ruffy Biazon tungkol sa operasyon ng mga smuggler sa aduana.
Bakit?
Binira ni Biazon ang operasyon ng isang Style Appliances Store d’yan sa isang mall sa Mandaluyong City at Pasay City dahil sa pagbebenta ng mga highend Sharp LED TV set matapos pumalag ang Sharp Philippines sa reklamo qng mga outlet nila dahil nagbebenta sila ng television sa murang halaga kaya naman sumasadsad ang kanilang kumpanya.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pumalag kasi ang nasabing company at pinaimbestigahan kay Ruffy kung bakit mas mababa ang benta ng kanilang ka-competition na tindahan.
Sa pangyayaring ito ay bumuo ng nintel group si Biazon para tiktikan ang galaw ng Style Appliances Store para malaman kung bakit nga mababa ang bilihan ng TV kaysa sa suggested retail price kumpara sa itinitinda ng mga outlet ng Sharp Philippines.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos ang pagpupulong ay nagpalabas ng mission order si Biazon para tiktikan ang inirereklamong kumpanya at dito natuklasan ng mga alipores ni Ruffy na wala itong proof of payments of duties and taxes.
Naku ha
Totoo kaya ito?
‘Noon pang sinasabi ni Biazon na tigilan na ang mga gaÂnitong uri ng sistema dahil hindi siya nangingiming ipagharap ito ng kaukulang kaso sa korte,’
‘Pinaiimbestigahan din ni Biazon kung paano nakalusot ang mga television sa Philippines my Philippines .’ Sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Pinaaalam din ni Ruffy kung may mga tauhan siyang kausap ng mga ito para malaman kung bakit ito nakalabas sa aduana.’
Abangan.