^

PSN Opinyon

Huwag kang kumurap General Estipona!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHIT magdeklara pa ng no take policy itong si PRO4-A director Chief Supt. Benito Estipona, hindi na niya ma-itatago ang nagsulputang parang kabute na pasugalan sa Southern Tagalog. May balak kasi ang tumatayong kolektor ni Estipona na si Dodjie Lasierda na ituloy ang drama na inumpisahan ng nasibak na PRO4-A director Chief Supt. James Melad pero sa tingin ko bistado na sila. Minsan nang lumusot ang sistema ng no take policy ni Melad at marami ang nagsasabi na hindi na ito mauulit pa. Kung sabagay, pati si Lasierda ay gumamit ng mga kolektor para itago ang pangalan niya. Subalit nabulgar din ang tong collection ni Lasierda at gamit na nga siya ng tropa ni Estipona, di ba Col. Reyes Sir? Darating din ang araw na mabubuwag ang tropa ni Lasierda dahil illegal naman itong trabaho nila, di ba mga suki?

Kung halos mahigit isang taon na sarado itong peryahan sa Southern Tagalog noong panahon ni Melad, sa ngayon bukas na bukas sila. Ang iniikutan ng bata ni Lasierda na si PO3 Nestor Violan ng Bacoor PNP ay ang paihi sa Carmona ni alyas Amang. Kasama na rito ang peryahan na matatagpuan sa Puregold sa Imus na ang operator ay si alyas Emily at sa palengke naman ang kay Dennis. Ang sa GMA-Carmona ay kay alyas Bok; sa bayan ng Silang ang kay Romy; sa Malagasang 3 ang kay Omni; sa bayan ng Maragondon ang kay Etchong at sa Rosario ang kay Edgar. Si Jessica naman ang operator sa Dasmariñas at si Egay sa Noveleta.

Sa Batangas naman, ang iniikutan nina ret. SPO4 Dave Abcede at Florence Manimtim ay ang peryahan sa bayan ng Talisay na ang operator ay si Kapitanan; at si Jun Elona sa Bgy. Aya, Quiling at bayan ng Sto. Tomas. Sa Bgy. Felix ng Sto. Tomas din ay si Tessie pati na ang sa Bgy. Tangob at San Vicente ng Lipa; sa bayan ng San Luis ay si Tita pati na rin ang sa Bgy. Dulugan. O hayan, paano masabi ni Estipona na wala ng sugal sa area nya?

Dagdagan ko pa ang ebidensiya mga suki! Ang STL bookies naman sa Lipa ay kay Ronald sa Sabang-Antipolo; sa Bgy. Bolbok at Lodlod ang kina Jerry at Menard; sa Munting Polo kay Macoy; sa Paraiso at Basang Hamog ang kay Topher. Sa Tanauan ang operators ay sina Alan Perez alyas Lito, Mike at Kap Mario; sa Batangas City si alyas Kaka; sa Lemery si alyas Mandy; sa Alitagtag si Togs at sa Taal si Rodel; sa Bauan si Violy; si Kap Noel sa San Jose; sa Cuenca naman si Eming; sa Balayan si Jr. at si Kap Pepeng sa Calaca.

Ang lotteng naman sa Lian ay si Resty; at sa Nasugbu si Willy Bokbok. Ang sakla naman ay si Willy Bokbok din sa El Paso at sa Palico sa Tuy at si Jun naman ang sa Garcia. Ang lahat ng binanggit ko ay iniikutan ni Lasierda at huwag kang kumurap Gen. Estipona Sir at baka madidal ka! Abangan!

 

 

vuukle comment

ALAN PEREZ

BASANG HAMOG

BGY

CHIEF SUPT

ESTIPONA

KAY

LASIERDA

NAMAN

SOUTHERN TAGALOG

WILLY BOKBOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with