Mga isyu sa Kasambahay Law
ISANG linggo na lang bago ang implementasyon ng Kasambahay Law, marami pa ring amo ang nalilito, at sabihin ko nang nagrereklamo sa ilang probisyon sa nasabing batas. Katulad na lang ng pagbigay ng mga benepisyong Philhealth, Pag-IBIG at SSS sa mga katulong.
Sino ang dapat pumila para mabayaran ang mga nasabing benepisyo, ang amo ba o ang katulong? Dito pa lamang ay marami na ang nalilito. May mga nagsasabi na obligasyon lang ng amo na ibigay ang karagdagang pera para sa mga buwanang kabayaran ng mga
benepisyo, at hindi sila ang dapat pumila. Pero kailan naman magagawa ng mga katulong ang magbayad sa tatlong magkaibang ahensiya? Sa day-off nila? Eh paano kung Linggo ang pinag-usapang day-off nila? Kaya may nagsabi na kailangan may isang lugar na lang
para mabayaran ang tatlong benepisyo, parang isang one-stop shop na lugar. Oo nga naman, di ba? Pero sino nga ang dapat pumila?
Hindi rin malinaw ang probisyon sa batas ukol sa pagbigay ng pagkakataon sa kasambahay na maka-pag-aral. Kung mag-aaral pa ang kasambahay, mababawasan nga naman ang oras ng kanyang trabaho sa bahay. At ano ang kanyang pwedeng abutin na edukasyon?
Hanggang elementary lang ba o high school? Siguro naman hindi kolehiyo! Pero malinaw na hindi sagot ng amo ang kanyang edukasyon, kaya sa mga publikong paaralan lang puwedeng pumasok kung sakali. Nakikita ko nga ang mga magiging pro-blema ng probisyong ito.
Isa rin ang probisyon ukol sa ma-ayos na tulugan ng kasambahay, at mga pangunahing pangangailangan niya. Kasama raw ba ang mga sabon, toothpaste at shampoo, na hinihingi na raw ng ilang mga katulong? Kahit ako hindi ko alam kung isasama ko ang mga bagay na
iyan sa aking grocery, o dapat ang katulong na lang ang bumibili dahil mga personal na kaga-mitan na iyan.
Nakikita ko na sa darating na mga araw ay magiging laman ng ating baÂlita ang mga alitan sa pagitan ng mga amo at katulong, dahil sa hindi pagkakaintindi sa Kasambahay Law. Nakikita ko na rin ang mga puwedeng pagmulan ng abuso mula sa panig ng mga kasambahay, l
alo na kung may mga manunuhol sa kanila. Katulad ng lahat ng batas, may pagkakataong para sa abuso kung mali ang pagkakaintindi nito. Kailangan ng linaw mula sa gobyerno hinggil sa mga nasabing isyu sa batas, bago maging sanhi ng hindi magagandang pagsasama
sa taÂhanan.
- Latest