‘Problema’
ARAW-ARAW iba’t ibang suliranin ang idinudulog ng ating mga kababayan sa tanggapan ng BITAG.
Bawat isa, iisa ang hinahangad, ang masolusyunan ang kanilang problema sa anumang paraang maibibigay ng aming programa. Linggu-linggo, dagsa ang mga kababayan nating lumalapit para sa kanilang problema sa lupa, trabaho o iyong mga nangangailangan ng legal na tulong mula sa abogado at operatiba.
Mayroon ding humihingi ng tulong pinansiyal o tulong medikal sa tanggapan ng BITAG na aming inirerekomenda sa mga ahensiya ng gobyernong makakapagbigay sa kanila ng sapat na atensiyon.
Walang pagtutol na iniimbestigahan ng BITAG ang bawat problemang inilalapit sa aming tanggapan at tinutulungan namin ito sa abot ng aming makakaya. Subalit kung minsan, hindi rin nawawala ang ilan na maging ang mga personal na problema ay isinasangguni para makahingi kahit man lamang payo.
Maging ang mga problema sa pamilya, o buhay-pag-ibig ay ibinabahagi ng ilan sa pag-asang matapos na ang gumugulo sa kanilang isipan.
Isa sa mga nabigyan ng tulong ng BITAG noong nakaraang taon ay ang maybahay na si Laila.
Sumbong ni Laila sa BITAG, sapilitang kinuha ng kanyang kinakasamang si Reynaldo ang kanilang anim na taong gulang na anak at dinala ito mula sa Palawan patungong Maynila.
Sa Article 213 ng Family Code of the Philippines, sinasabing ang batang edad pitong taon pababa ay nasa kustodiya dapat ng ina. Dahil dito, sa pakikipag-ugnayan ng BITAG sa Women and Children’s Protection Desk isang rescue operation ang naikasa at muling nabawi ni Laila ang anak mula sa dati niyang kinakasama.
Mayroon ring pagkaka-taon na may lumapit sa aming tanggapan ng lalaÂking humihingi ng tulong dahil sa pagbabanta ng isang tao sa kaniyang buhay. Nang tanungin ang dahilan ng pagbabanta, inamin nito na naging kaÂrelasyon niya ang asawa ng lalaking nagbabanta sa kanyang buhay.
Sa sandaling nadetermina na ng BITAG ang ugat ng kanyang problema, agad na namin siyang pinalarga paalis sa aming tanggapan.
Paalala ng BITAG sa lahat na masusing sinasala sa aming tanggapan ang mga problemang inilalapit sa amin. Ang mga problemang inihihingi ng tulong na may kaugnayan sa pangangaliwa lalo na kung kasangkot dito ang nagrereklamo ay hindi kinukunsinti ng BITAG.
- Latest