NANGUNGUNYAPIT sa bagin si Fr. Arnold Abelardo sa loob ng kanyang P1 milyong harden upang mapanatili ang kanyang puwesto bilang chaplain ng Philippine Orthopedic Center. Kasi, noong bago sumapit ang Pasko naging masalimuot na ang kanyang kalagayan matapos ang kaliwa’t kanang black and white letter na ipinamudmod ng mga dismayadong empleyado at mga pasyente para palayasin siya sa bakuran ng POC.
Nag-ugat ang masalimuot na sitwasyon ni Fr. Abelar-do ng makakuha ito ng P500,000 sa Philippine Gaming Corporation (Pagcor) na ipinagawa niya ng Healing Garden sa compound ng ospital. Wala namang masama sa proyekto ni Fr. Abelardo dahil para naman ito sa kapakanan ng mga empleyado at pasyente ng hospital.
Ang masakit, natuklasan ng mga empleyado na ma-ging ang POC administration pala ay nakapagbigay rin umano ng dagdag na P500.000 sa pagpapagawa ng healing garden. Doon na umalma ang mga empleyado. Dahil sa kabila raw nang malaking kakulangan sa pondo ng POC para sa karagdagang doctors, nurses, hospital staff, hospital equipment and apparatus at maging sa kakulangan na pambili ng gamot ng mga mahihirap na pasyente ay inuna pa ni Fr. Abelardo ang pagpapaganda ng healing garden.
At ang labis na ikinasasakit ng butse ng mga Nurses and Hospital staff ay ang hindi patas ng pagtrato ni Fr. Abelardo sa mga ito. Kasi nga mas binigyan pa ni Fr. AbÂelardo nang matamang pag-aaruga ang mga bagong recruit na mga estudyante na galing sa probinsya. Naka-aircon umano ang mga dormitory ng mga alaga ni Father na libre tubig at kuryenÂte subalit ang mga in-house staff ng ospital ay nagbabayad ng buwanang upa sa dorm na walang aircon.
Mahirap din umanong mahagilap si Fr. Abelardo ng mga kaanak ng mga pasyente na nangangailangan ng bendisyon dahil palaging nasa sosyalan okasyon ito. Madalas din umano itong umepal sa pamilyang Aquino kaya madalang siyang makita sa POC. Kaya ang mga kaawa-awang kaanak ng mga pasyente ay naghahagilap pa ng pari sa kalapit na barangay upang mabendisyunan ang mga nakaratay nilang kamag-anak.
May kumakalat na signature campaign ngayon sa POC para mapanatili si Father Abelardo. Ang masakit mukhang ang laboratory department lamang ang naging kasangga ni Fr. Abelardo dahil maging ang mga doctor at nurses ay umiiwas sa pagpirma. Halos lahat ng hospital staff ay tutol na rin sa pananatili ni Fr. Abelardo sa POC. Mukhang masalimuot nga ang kalagayan ni Fr. Abelardo. Abangan!