INILARGA na ni Comelec chairman Sixto Brillantes ang election gun ban na tatagal ng limang buwan. Ito ay upang mahadlangan ang madugong balakin ng mga pulitiko sa May election. Naging kalakaran na sa ating bansa na sa tuwing sasapit ang eleksyon maraming buhay ang natitigpas ng goons at private army ng mga pulitiko. Pinagsanib ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang kanilang puwersa sa paglalagay ng mga checkpoint sa mga pangunahing lansangan ng bansa. Sa puntong ito mga suki, hindi po dekorasyon lamang ang Comelec checkpoint na madaraanan sa mga lansangan. Tuwing makakakita kayo ng checkpoint, magpabagal sa pagpapatakbo ng sasakyan, patayin ang head lights, buksan ang mga ilaw sa loob ng sasakyan at bahagyang buksan ang bintana upang marinig ang pakikipag-usap ng pulis o militar. Hindi na kailangang bumaba sa sasakyan.
Ayon sa alituntunin ng Comelec, hahalughugin lamang ang inyong sasakyan kung may reklamo o kaya’y may court order. At higit sa lahat, kailangan na nasa maliwanag na lugar ang checkpoint kung saan ay inyong makikita ang malaking karatula na “Comelec Checkpoint†na may marked vehicle ng pulis o military, kailangan ding nasa proper uniform at may identification card (ID) ang pulis o militar na magagalang sa pag-i-entertain ng mga moto-rista. At oras na sumalto sila, maari ninyong ireklamo sa pinakamalapit na opisina ng Comelec para mapatawan ng administrative cases ang mga pulis at militar. Kasi nga, ayaw nang maulit ni Brillantes ang pag-massacre sa 13 tao sa Atimonan, Quezon na kinabibilangan ni Supt.
Alfred Consemino at umano’y jueteng opeÂrator na si Vic Siman noong January 6.
Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI na inambus ang 13 sakay ng SUVs dahil ang mga baril ng mga napatay ay nasa compartment ng Montero at imposibleng nagkaroon ng shootout gaya nang pina-ngaÂngalandakan ni Supt. Hansel Marantan.
Malaking dagok na naman ito sa PNP kung may katotohanan ang natuklasan ng NBI. At dahil nga sa panahon na naman ng kampanyahan ng mga kandidato, mahigpit ngang ipinag-utos ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na paigtingin ang checkpoint sa buong bansa upang mahadlangan ang mga armado.