Kaduda-duda!
AYAW kong maghusga pero base sa mga unang findings ng mga Philippine National Police probers sa kaduda-dudang shootout sa Atimonan, Quezon, posibleng ito’y isang kaso nga ng rubout o summary execution.
Sana’y nagkakamali ako at lahat ng mga nagdududa sa operasyong ito na ikinamatay ng 13 kataong inakusahang “gun for hire.†Nakakaawa ang hagulgol ng mga kaanak ng mga napaslang na nagsasabing hindi masasamang tao ang mga biktima.
Pati si Presidente Noy Aquino ay nagdududa sa pahayag ng mga operatiba na ito’y “lehitimong enkuwentro.â€
Kabilang sa 13 kataong nasawi ay 3 pulis na ang isa ay police colonel at 2 sundalo. Ang PNP ang nagsagawa ng pang-unang imbestigasyon pero ito’y fact-finding lang. Bahala na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa konklusyon at umaasa akong makapagsasampa ng karampatang kaso sa mga dapat managot kung ito nga’y kaso ng rubout.
Palagay ko naman ay hindi babayaan ng PNP na madungisan ang reputasyon ng buong organisasyon dahil sa kasalanan ng iilang kabaro. Hinding-hindi ito pababayaan ni PNP Director General Purisima dahil siya mismo ay may pagdududa sa insidente. Tiniyak mismo ng Pangulo na walang mangyayaring whitewash. So be it. Sana wala nga.
Mabilis naman ang aksyon ng mga kinauukulang ahensya at base sa nakuhang datos ng PNP probe team na ipapasa na sa NBI, 18 pulis kasama ang ilang opisyal ang suspendido na. Pero huwag sana nating
kagyat husgahan ang mga pulis na ito dahil kahit sino ay may karapatan sa hustisya. Sabi nga sa Inggles “a day in court.â€
Kabilang sa mga nasaÂwi sa sinasabing shootout ay kamag-anak pa ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na si Tirso Lontok, isang environmentalist at political leader ng (take note) Liberal Party sa Quezon. Wow, kasangga iyan ni P-Noy!
Sinibak naman ni DILG Sec. Mar Roxas ang Quezon provincial director na si Val de Leon at ang lahat ng opisyal na sangkot sa insidente.
- Latest