^

PSN Opinyon

Biazon kalaboso para sa mga smuggler

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ISANG trader ang binabaan ng hatol ng korte para makulong ng 8 to 12 years with matching multa pa matapos mapatunayan nagkasala sa hindi pagbabayad ng tamang buwis at pangloloko sa gobierno.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ni BOC Commissioner Ruffy Biazon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinitiyak niyang mananagot sa butas este mali batas pala ang mga sindikatong may operasyon ng pandaraya sa buwis, echetera sa Bureau of Customs kahit sino pa ang mga ito may padrino o wala, bata o matanda, may pangil o bungal, tomboy o bakla, opisyal man ng gobierno o hindi basta ‘economic saboteur’ tiyak kalbo este kalaboso pala sila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nagbibiro si Ruffy sa kanyang pangako na ipapasok niya sa rehas na bakal ang mga smuggler at mga kasabwat nitong empleado sa bureau oras na nahuli sila at may sapat na evidence.

Sabi nga, ituwid na ang daan tungo sa kaularan ng Philippines my Philippines!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon mga nagdaan administration sa Customs ay sumasakit ang tiyan ng mga smuggler at mga kasabwat nito dahil walang ipinanalo sa korte ang BOC maging sa Court of Tax Appeals.

Sabi nga, halakhakan ng halakhakan sila noon ang pinagtatawanan ang Bureau of Customs.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Roel Paquit Sayson ang hinatulan ng korte last December 12, 2012, ng guilty beyond reasonable doubt dahil sa paglabag nito sa Tariff and Customs Code of the Philippines my Philippines.

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minali daw ni Sayson ang deklarasyon sa kanyang shipment kahit na ang ipinasok nito sa Philippines my Philippines ay 6 units ng Kia Sportage pero declared as used  truck replacement parts at 3 units ng Hyundai Galloper malaking pera ang nawala sa bureau sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Sabi nga, kawawa sng gobierno!

Kaya hayun ng mapatunayan nagkasala ang culprit himas rehas ang mangyayari sa kanya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isa pang dapat tutukan ng husto ni Biazon ang pagkawala ng multi - billion of pesos halaga ng mga shipment na nailabas sa bureau pero ang mga shipment nito ay nawawala.

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing laman ng mga smuggled shipment ay napunta sa isang mayaman negosiante intsik na may-ari daw ng mga groceries dahil kumanta ang drayber ng container van na dinala niya at ibinaba sa bodega ng tsekwa ang mga smuggled goods matapos iting humarap sa pagdinig ng Kamara noon.

Siguro dapat itong kalkalin ng husto ni Ruffy para makalaboso ang mga nagkutsabahan dito at isama rin sa imbestigasyon ang isang Lucio, sinasabing may-ari ng mga binagsakan kargamento hindi binayaran ng buwis.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinalkal ang nasabing smuggling operation sa Kongreso pero walang nangyari sa pagdinig noong panahon ni dating BOC Commissioner Lito Alvarez .

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat muling buksan ang imbestigasyon tungkol sa usapin ito at ipatawag ulit si dating Commissioner Lito Alvarez et al para bigyan linaw ang isyu.

Sayang ang malaking pera na dapat napunta sa administrasyon ni P.Noy dahil sa bulsa ng mga kamote ito napunta.

Abangan.

 

Smuggling ng bigas talamak sa CDO

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas “Dodong diamond’ ang operator ng rice smuggling sa Cagayan de Oro kaya naman pinatitiktikan na ito ng todo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas Dodong diamond ay sinasabing alkalde ng isang bayan sa Visayas.

Abangan.

ABANGAN

ASSET

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER LITO ALVAREZ

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with