‘FYI hinggil sa BITAG’

SADYA kong sinulat ang kolum na ito bilang kasagutan    sa mga katanungan ng mga sumusubaybay sa pro-gramang BITAG sa telebisyon.

Pansamantalang hindi muna mapapanood ang programang BITAG sa TV 5 at sa sister station nitong Aksiyon TV Channel 41.

Kasalukuyang “syndicated” na ang programang BITAG sa telebisyon. Ibig sabihin, hindi na kami pipirma sa anumang network na lalabas eksklusibo ang BITAG sa kanila.

Napagpasyahan na ng kumpanyang BST Tri-Media Production, ang producer (ang inyong lingkod) ng BITAG na ito ang tamang desisyon.

Walang hahadlang at walang didikta sa totoong konsepto at prinsipyo ng BITAG.

Malaya kami sa aming malikhaing ideya partikular sa tinatawag naming estilong “DDR” (Diary, Documentary, Reality) na noon pa man, tatak na ng BITAG.

Malaki ang pasasalamat namin sa Kapatid network na TV 5 maging sa Aksiyon TV 41 sa kanilang tiwala sa programang BITAG.

Kung sakaling mangyaring mapanood ninyo muli      ang BITAG sa TV 5 sa 2013, ito ay sa prinsipyong tinatawag naming “syndicated”.

Sa mga regular viewers ng BITAG, mapapanood ito tuwing Biyernes, back to back sa Pinoy-US Cops sa UNTV 37. 7:30 - 9:00 ng umaga. “No commercial interruption”

Hinihintay na lamang namin ang paglabas ng kontrata mula sa PTV 4 na aming pipirmahan kung saan dalawang beses na mapapanood ang BITAG sa araw ng Sabado at sa araw ng Linggo.

Mauna muna ang Pinoy-US Cops, 8:30 – 9:00pm, susundan agad ito ng BITAG pagkatapos ng Lotto draw, 9:15 – 9:45 pm, Sabado, PTV 4.

Sa araw ng LINGGO, mauuna ang “DDR Case Study”,  produksiyon ng BST Tri-   Media, 7:30 – 8:00 ng gabi, su­sundan agad ito ng BITAG, 8:00 – 9:00 pm, PTV 4.

Bukas pa rin ang pintuan ng BITAG at umaasang papayag ang Kapatid network TV 5 sa “syndication”.

Inaayos namin ang pagsasalin sa salitang Ingles ng BITAG at Pinoy-US Cops para sa international network, Discovery Channel, sakaling magkapirmahan na.

Makakaasa kayo sa ma­ak­siyon at umaatikabong BITAG ngayong 2013 sa larangan ng imbestigahan, at public service.

Lilinawin namin, noon hanggang ngayon, sampung taon na ang BITAG sa telebisyon. Hindi kami ang nag-iisang imbestigador ng bayan!

“Ituring nyo ang inyong BITAG, bukod tanging mga imbestigador ng bansa sa TV.” 

Abangan…

Show comments