^

PSN Opinyon

Maging handa

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang Bagong Taon K sa liturhiya nating mga Kristiyano. Adbiyento o Panahon ng Pagdating. Tayong mga mananampalataya sa Panginoong Diyos ang matuwid na sanga ng lahi ni David. Manalig tayo sa Kanya sapagkat paiiralin niya tayo sa katarungan at katwiran. Palalaguin at papapag-alabin ang pag-ibig natin sa bawa’t isa sa atin.

Ang Adbiyento ay ang paghahanda sa darating na Pasko, ang kaarawan ni Hesus sa sandaigdigan. Dumating na Siya mahigit dalawang libong taon na ang nakalipas. Ngayon naman ay paghandaan natin ang muli Niyang pagbabalik. Sinabi ni Hesus: “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan at mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat”.

Ang mga tanda na ipinahayag ni Hesus ay nasaksihan natin nakaraang mga unos at bagyo sa mara-ming bahagi ng bansa.  Maging sa iba pang lupalop ng daigdig ay napakaraming unos, bagyo, lindol, tsunami at huricane ang naganap. Idinagdag pa ni Hesus ayon sa ebanghelyo ni Lukas na “kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na nito. Magalak kayo sapagka’t malapit na ang pagliligtas sa inyo.” Kaya ngayong panahon ng Adbiyento ay magsisi na tayo sa mga nagawa nating kasalanan. Magpakabuti at magbagumbuhay. Huwag na tayong magumon sa katakawan, kahalayan, paglalasing at kasakiman sa mga materyal na bagay. Maghanda tayo.

Manalangin tayo tuwina sa Panginoon upang muli  Niya tayong iligtas sa kapahamakan. Siya mismo ang nagturo sa atin: “Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyaya-ring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”

Jer. 33:14-16; Salmo 24; 1Tes3:12-4:2 at Lk. 21:24-28, 34-36

 

 

ADBIYENTO

ANAK

ANG ADBIYENTO

BAGONG TAON K

DUMATING

HESUS

HUWAG

PANGINOONG DIYOS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with