^

PSN Opinyon

Editoryal - Huwag isapalaran perang pinaghirapan

Pilipino Star Ngayon

MERON nang nag-amok at meron nang nagpa-kamatay na investors ng Aman Futures Group Phils. Inc. isang networking o pyramiding group. At lumalala pa ang problema sapagkat ang mga kamag-anak ng nagtatag ng Aman ay nadadawit na. Sila ang ginagantihan ng mga galit na nalokong investors ng Aman.

Nasa 15,000 katao umano ang naloko ng Aman sa Visayas at Mindanao. Umaabot sa P12-billion ang nakulimbat na pera ng mga opisyal ng Aman. Kabilang sa mga naloko ay pulitiko, sundalo, guro, pulis at overseas Filipino workers (OFWs). Ang Aman ay itinatag ng isang Filipino-Malaysian na nagngangalang Manuel Amalilio. Nagtatago na umano si Amalilio at ang anim na director nito.

Malaking interest ng pera ang naging dahilan para dumami ang mga miyembro ng Aman. Ayon sa report, madaling araw pa lamang ay nakapila na ang mga gustong mag-invest. Ang iba ay nag-loan ng pera para mayroong iinvest. Mayroong nag-invest ng kanyang retirement money. Ang iba ay nangu­tang sa mga kamag-anak para makapag-invest. Mabilis na kumalat ang malaking interest ng pera kaya lalong lumobo ang investors.

Pangako ng Aman na ang iinvest na pera ay kikita nang malaki sa loob lamang ng isang linggo.  Sabi ng isang market vendors na nag-invest ng P1,000 kumita agad ang kanyang pera sa loob ng isang linggo. Kapag malaki raw ang iiinvest ay mas malaki ang kikitain ng pera.

Hanggang noong Setyembre, hindi na maibalik ng Aman ang malaking interest ng pera ng investors. Ang mga inisyung tseke ay tumalbog. Hanggang sa hindi na mahagilap si Amalilio at anim na opisyales.

Nag-suicide ang isang retiradong guro dahil hindi na nabawi ang kanyang retirement money. Isang galit na galit na investors ang sinunog ang bahay ng kamag-anak ni Amalilio.

Marami nang ganitong panloloko at sa kabila ay marami pa ring napapaniwala. Bakit hindi muna mag-imbestiga sa background ng grupo? Hindi ba nakapagtataka ang malaking tubo na inio-offer? Maski ang malalaking banko ay walang ganito. Huwag agad isapalaran ang perang pinaghirapan.

AMALILIO

AMAN

AMAN FUTURES GROUP PHILS

ANG AMAN

AYON

HANGGANG

ISANG

MANUEL AMALILIO

PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with