'Makati Mayor Junjun Binay, basahin n'yo 'to!'(2)
LUMABAS ang unang bahagi ng kolum na ito nitong Biyernes. Kasabay din ng aming pag-broadcast sa BITAG Live sa UNTV noong araw ding ‘yun.
Mahigit isang libong text messages ang reaksiyong pumasok sa BITAG text hotline 09192141624. Matindi ang galit kay Cecilio Lim III ng mga nakapanood ng BITAG Live at mga nakabasa ng kolum na ito Luzon, Visayas at Mindanao
Pati si Mayor Jun Jun Binay, nadamay. Kinukuwestiyon tuloy ang kakayahan ng batang alkalde at kung kinukunsinti niya ang inaasal ng kaniyang ka-shooting buddy, kilala sa pangalang “Cecile”.
Ang reklamong ito ng mga empleyado ng Makati City Hall Accounting Department ay nauna na palang naipara-ting sa tanggapan ni Mayor Jun jun Binay.
Pare-pareho ang mga katanungan ng mga nakapanood at mga nakabasa, anila, “ano ba ang ginagawa ng batang Binay na ‘yan”? Hanggang sa isinusulat ko ang kolum na ito, wala kaming naririnig kay “Totoy Junjun”.
Isa sa mga modus ni Cecile ay ang iligal na pagba-baklas at pagpapalit ng plaka ng sasakyan ng gobyerno sa araw ng Linggo. Mismong kanyang tsuper ang sapilitan niyang inuutusang isagawa ang modus na ito.
Kapritso raw nitong si Cecile ay mag-target practice sa shooting range kada araw ng Linggo sa Lungsod ng
Muntinlupa, kasama ang kaniyang mga shooting buddy.
Paboritong gamit ni Cecile na sasakyan sa araw ng Linggo ay ‘yung pinagbaklasan ng red plate na pinapalitan niya ng private plate.
Kapag nagsawa na raw sa shooting range si Cecile, ang kanyang libangan ay ang loo bang bayan ng Calumpit, Bulacan. Ginawa niya itong hun-ting ground.
Mga wild ducks ng Calumpit ang target ni Cecile. Paminsan-minsan daw, mga naliligaw na pato ng mga magsasaka sa nasabing lugar ang kanyang pinupuntirya dahil madali lang tamaan.
Para patunayan ang sumbong na ito sa BITAG, ipinakita ng da-ting tsuper ang video ng mga tinamaang pato ni Cecile. Makukulay nga na wild ducks at mga pobreng pagala-galang patong alaga.
Abangan: Pagsuspinde ni Cecile sa isang empleyado. Ang dahilan, pag-absent sa trabaho dahil emergency na isinugod sa ospital ang kaniyang tatlong taong gulang na anak…
- Latest