^

PSN Opinyon

Karambola'Drug Raid sa Caloocan!'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

WALANG maliit o walang malaki, kapag problema sa droga na ang pinag-uusapan. Dito, magkapareho ang pananaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng BITAG.

 Base sa mga intelligence report na nakalap ng BITAG  na sinasang-ayunan din ng PDEA- Metro Manila Regional Operatives (MMRO), araw ng Biyernes ang delivery ng droga sa mga barangay.  

 Sa loob lamang daw ng dalawa o tatlong araw, ubos agad ang mga kilo-kilong shabu na naidi-dispatsa ng mga dealer sa kani-kanilang balwarte.

 Kaya naman araw pa lamang ng Lunes, ubos na ang mga nai-deliver na kilo-kilong droga. Pagdating ng Martes tuloy na naman ang delivery o bagsakan.

 Kaya’t nitong a-15 ng Pebrero, araw ng Martes ang siyang itinakdang araw ng PDEA-MMRO at BITAG na lusubin ang Brgy. 152, Bagong Barrio Caloocan City.

 Sa bisa ng isang search warrant na inisyu ng Caloocan Regional Trial Court, dalawa ang target sa operasyon na ito.

 Target #1, ang bahay ni Antonio Estrada de Luna alyas Anthony. Dalawang buwang trinabaho at minanmanan ng BITAG at PDEA undercover ang aktibidades ni Anthony.

 Kasama ni Anthony ang isa pang nagngangalang alyas Tata Egay na siyang pinagkukunan ng droga ni Anthony.

 Natumbok din ang isang bahay na nagsisilbing drug den na tinitirahan ng isang runner na si alyas Mac.

 Buong detalye, bukas ng alas-9 ng gabi mapapanood sa BITAG sa IBC 13. Sa Lunes, alas-9 ng umaga sa BITAG Live sa UNTV ang nasabing umaatikabong operasyon.

Ang kaibahan ng BI-TAG, mga aktuwal na pangyayari at detalyeng paghahanda at pagsasagawa ng isang tactical operation ang siyang binibigyan namin ng kahalagahan.

 Kapag droga ang pinag-uusapan, iisa lang ang storya. Kaya’t sa ibang pa-labas ginagawa nilang katatawanan ang mga eksena maging mga suspek.

 Sinasadya nilang ga-wing entertainment ang dapat na investigative program o public service. Hindi ito nangyayari sa BITAG.

ANTONIO ESTRADA

BAGONG BARRIO CALOOCAN CITY

BITAG

CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KAYA

METRO MANILA REGIONAL OPERATIVES

SA LUNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with